Larawan sa Canvas: Enter the “Tsong” walang kupas, palibhasa lalake… Joey Marquez!

WHOAH… MADAKO NAMAN tayo isang former Mayor pero versatile comedy actor, na aking nakapanayam.  At siyempre, walang kaabog-abog  na nainterbyu ko. Ito ang mga usapan namin mga, kaparazzi.

Kumusta ka na Joey? Napangiti siya sa akin, sabay-sabi, “Mukhang sa lahat ng nag-interview, ikaw ang rock ‘en roll, kumusta si Hanopol?”

Ehehe… mukang ako ang naispatan nito. Nadale tayo du’n! Pero mukang okey itong si Tsong at masayang kausap. “Eto, mabuti naman, ikaw kumusta na pare, mahaba ang buhok mo ngayon ha?” Sabi niya. Napansin ang buhok ko mahaba na kasi, ganyan talaga ‘pag artist Joey. Okey ‘tong kausap ah walang bully-han. Hahahah! “Eh, medyo ‘yung buhok ko ‘as is’ lang.”

Naalala ko  itong si “Joey the Tsong,” nakikita na nito ang mga art exhibition ko sa Ayala Center sa Makati nu’n. Tsong… Meyor, anong pinagkakaabalahan mo ngayon? “Ah… ako, ayun tuloy pa rin sa public service, eh, ganyan talaga dapat ituloy natin iyong mga nasimulan natin.”

Ah, may himig ng pulitika, sa bagay mayor dati, eh. Tsong, saan ba talaga galing iyong appeal mo sa mga ‘chickas?’ “Sa tingin mo saan, ha? He-he-he!”

Balikan ba ako ng tanong, kailangang marunong ka ng adlib. Okey, sa’n nga ba? Anyway sa ‘kin, ‘di naman siya kaguwapuhan pero matindi naman ang ‘impact’ o ‘dating,’ ‘ika nga, malakas ang ‘charisma’ nitong si Tsong. Ang totoo niyan kung napanood natin siya sa mga pelikula niya nu’ng 80’s at 90’s, karamihang papel niya ay ‘pilyo sa chiks.’ At kasikatan niya nang namayagpag sa telebisyon ang sitcom na Palibhasa Lalake  kasama nina Richard Gomez, John Estrada. Naalala ko pa nu’ng bata pa si Carmina Villaroel, at ang nakatatawang parte ay si Aling Minerva (‘yung lasengga) na role ni Gloria Romero. Ang masasabi ko lang, wholesome ang program nila. Iyong Bikining Itim, ha-ha-ha! Alam pa ba ninyo ‘yun? Nu’ng kelan sa Kung Ako Ikaw, at ang ngayon naman ay iyong Adik Sayo. Ok ‘yun, aprub sa ‘king panlasa ang ginawa ng GMA-7 kung sa’n si ‘Tsong,’ constructive criticism bilang asawa ni Elizabeth Oropesa. Sa bagay komedyante, kaya hindi siya nawawalan ng trabaho. Pero kuwidaw, ayon sa kuwento niya, dati siyang janitor, dami ring pinagdaanan, siguro ‘di naman macho dancer. ‘Di ko na lang itinanong kung ilan ang naging asawa or ‘chicks’ niya, tiyak ‘di naman aaminin. He-hew!

Bale, anong course ang tinapos mo? “Hah, bale I’m an accounting graduate and I also took a program course sa Harvard University.” Hah! Heavy-gats naman pala, ah! Totoo bale?  “Yes, I took Program for Senior Managers in Government, ‘di ka naniniwala?” Tanong niya sa akin.

Napangiti lang ako, pero at meaning naniniwala, ah. Ha-ha-ha-ha! Sa bagay ang pagiging Mayor, ay pinag-aaralan talaga sa Harvard sa course na PSMG.

Seryoso ka ba sa tunay na buhay? “Oo, I’m really serious and a person that reserves some privacy. Pero siyempre kung komedyante ka, talagang nasa personality iyon.”

Mukang totot’s naman ang mga sinasabi niya at no joke, huh! Basketball player turned comedian turned politician turned host: Joey “Tsong “ Marquez. Ano, ‘very good’ ba mga kaparazzi?

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleTanda Ba News?: Aiza Seguerra: Pagdating ng Panahon
Next articleIza at Sunshine, nagpatalbugan sa TV project – Archie de Calma

No posts to display