Habang isinusulat namin ito, our good friend Richard Pinlac continues to fight for his dear life. May namuong dugo the size of a fist, napinsala ang kaliwang bahagi ng kanyang utak leaving him in a coma mula nang isugod siya ng kaibigang Jobert Sucaldito nitong Lunes ng madaling-araw sa Capitol Medical Center.
In his absence ay kami muna ng kaibigan ding si Pilar Mateo ang pansamantalang co-pilot ni Cristy Fermin sa CFM sa Radyo Singko.
Sa mga natatanggap naming mensahe at maging sa mga posts sa FB, lalo naming napagtanto ang dami ng mga taong nagmamahal kay Richard, least to say, salbahe na yata ang sinumang tao who would wish anything bad to come upon him sa panahong higit niyang kailangan ng panalangin to get him back on his feet.
Pero talaga palang may mangilan-ngilan taong walang puso. Nu’ng MiyerkUles, sa programang CFM, ay hindi na namin pinatulan pa ang isang (for sure, iilan-ilan din lang) grupo ng mga tagahanga ng isang sikat na tambalan.
Using the word “bastos” to describe the text message and its sender is an understatement. Sukat ba naman kasing nakasaaad sa mensahe na ang nangyari raw kay Richard ay karma?!
Excuse me, baka ang dinadambana n’yong idolo ang nakarma, ‘no! At ‘yun ay dahil na rin sa kagagawan n’yo mismo! How dare this bunch of mindless, Godless bitches talk about karma! bakit, kilala n’yo ba ang buong pagkatao ni Richard Pinlac?
Matakot kayo sa Diyos!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III