Sa kanyang lampas dalawang araw na pamamalagi sa ICU ng Capitol Medical Center, sa wakas ay nadalaw na namin ang kaibigang Richard Pinlac, kasama si Cristy Fermin at ng kanyang assistants na sina Japs Gersin at Tina Roa.
“’Teh, gising ka na!” paulit-ulit kong sinasabi kay Richard Pinlac habang marahan kong dampi ang kanyang kanang binti. Bahagya niyang iginalaw ang kanyang ulo, his left knee slightly moved. And if it was any sign of improvement, ramdam ko sa aking sarili na naririnig niya kami.
Kinabukasan sa Cristy Ferminute ay ibinalita ng kasamang Ambet Nabus—who was at Richard’s bedside—na naluluha raw si Richard habang nakasalpak ang earphones sa kanyang tenga. Payo kasi ‘yon ng doctor para kahit paano’y may brain function sa napinsalang bahagi ng kanyang utak.
Panauhin kasi ng programa ni Cristy ang noo’y nakita lang niya nang personal sa kauna-unahang pagkakataon, ang nagtataglay ng malamyos na tinig sa likod ng awiting Ordinary Song, si Mark Velasco. Take note, kahawig pa ni Mark si Richard to whom he offered his song ‘Larawan’.
Ang balitang pagluha na ‘yon ni Richard despite his comatose state—again—was another sign of improvement para sa amin.
Na sana’y magtuluy-tuloy na hanggang maimulat niya ang kanyang mga mata isang araw, at balik-normal sa nakasanayan na niyang gawain bilang co-anchor ni Cristy at payaso sa kanilang mga tagasubaybay.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III