SIMULA NA ANG giyera sa korte ng GMA SVP for Entertainment Ms. Wilma Galvante at Ms. Annabelle Rama.
Ngayong araw na ito, maagang nagsigisingan ang may dalawampung entertainment writers para tumungo sa QC RTC. Na-subpoena kasi ang mga nagsulat ng presscon na ibinigay ng ina at manager ni Richard Gutierrez na naging dahilan ng pagsampa naman ng kaso ni Ms. Wilma sa kanya. Personal opinion of course, pero this is really getting out of hand lalo na’t nasasama na ang mga manunulat.
Kami na isa sa mga nakatanggap ng sulat, sumakit agad ang ulo namin and we were not able to work for a whole day missing some deadlines and presscons. Of course we know our responsibility and we will always stand by what we write pero dahil dito, mula ngayon parang mamimili na rin kami ng presscon na pupuntahan. ‘Yung kontrobersiya-free at ‘yung hindi kami magugulo ng tulad nito.
For the record, we’re not happy about this.
PURO GMA STARS naman ngayon ang pumapasok sa TV5.
Kung nagsimula ang reformatted ABC with hordes of Kapamilya stars, nagbago na ang ihip ng hangin. Actually, pasimple na ngang nawawala ang Kapamilya sa mga TV5 shows and those staying, either bagong pasok lang the likes of Nico Ibaviosa sa Lipgloss or hindi talaga exclusive ng ABS kundi co-managed, the likes of Oyo Sotto sa Midnight DJ and Ryan Agoncillo of Talentadong Pinoy.
Now, sa fourth season ng TV5, magsisimula na ang Who Wants To Be Millionaire to be hosted by Vic Sotto. Starting May 23 na ito at 6pm.
Bababa sa original timeslot ang Lipgloss at 5, na tomorrow pa lang, may magi-guest nang taga GMA – something na kahit guest appearance lang dati hindi puwede – na si Marco Alcaraz. At sa pagpasok ng fourth season ng Lipgloss, isang big young female star ng Kapuso na papasok as regular.
She will bloom there, get it?
SI HERBERT BAUTISTA na lang daw ang nagpapatakbo ng Bagets Foundation?
Nagsimulang napakalaki at napakaingay ng foundation na binuo ng original cast of the quintessential youth movie of the eighties, part one and part two at that. Aba, dito nanggaling sina Aga Muhlach, Bistek, Eula Valdez and even the late Francis M. Ang daming balita naming narinig noon; a reunion movie, a scholarship grant and other projects. Ang scholarship grant, tuloy pa rin but the rest, parang nawala na.
Of course ayaw magsalita ni Bistek who is now the QC Vice Mayor kung bakit ganoon pero kung siya lang din ang tatanungin, kaya niya naman on his own. The Batang QC Olympics nga na ibinigay sa kanya ni QC Mayor Belmonte, tumatakbo pa rin and now on its eighth year na. Nagsimula ito last April 18 and magtatapos ng May 19 sa Amoranto Sports Complex. Sayang, the Bagets Foundation could have helped here.
‘Di bale, magagamit ito ni Bistek come 2010.
Merese
by Dinno Erece