NATUTUWA AKO kapag ang mga anak ay may sariling paninindigan. At least mayroon silang mga balls.
Tulad na lang halibawa sa kaso ni Enzo Manzano na anak ng actor na si Edu Manzano at Rissa Samson.
Nasorpresa ang marami sa recent protest na isinagawa ni Enzo sa harap ng United Nations HQ at Philippine Embassy sa New York na kahit mag-isa, pinanindigan niya ang kanyang paniniwala laban sa Anti-Terror Act na gusto ipasa at pirma na lang ni President Duterte ang hinihintay para maisakatuparan ang dagdag “kapangyarihan” nito sa Pilipinas at sa mga mamamayan nito.
Bitbit ang sariling gawa na protest placard, si Enzo ay hinangaan ng milyon-milyong Pilipino na lumalaban sa Anti-Terror Act.
Matapang ang binata. Nakasulat sa placard na hawak ni Enzo ang mensahe BOLD black text na: THE PHILIPPINE GOVERNMENT IS DESTROYING MY COUNTRY’S DEMOCRACY! HEAR US NOW (BEFORE IT’S TOO LATE).
Ang amang si Edu naman ay walang kamalay-malay sa ginawa ng anak. Nagulat na lang ito nang makita ang IG posting ng binata.
Bongga ang opinyon ng aktor sa kanyang binata. Sa panayam ng manunulat na si Gory Rula sa istasyong DZRH, pinalaki ni Edu ang mga anak niya sa isang liberal na pamamaraan reason kung bakit bukod sa mga open-minded at may sariling opinyon na.
To quote Edu: ‘Kung meron kayong gustong sabihin, sabihin ninyo.’ Which is a good training para maging vocal ang mga ito sa nararamdaman at nasa sa isip nila.
Sa isinagawa ni Enzo na solo protest, ang mga girls ay lalo siya hinangaan. Sa katunayan, siya ang bagong “Crush ng Bayan” aside from Pasig City Mayor Vico Sotto.
Fab ang educational background ni Enzo. Nag-aral sa Xavier School at La Salle noong elementary at DLSU noong college just like his dad na true-blue Lasalista.
Achiever si Enzo tulad sa diskripsyon ng ama. Noong college ito, si Enzo ay Dean’s Lister na nang mag-decide na ipagpatuloy ang graduate studies ay nag-aral ito sa UCLA.
Yes, binata si Enzo, not committed ang puso sa iba.