Enzo Pineda inaral ang kilos at salita ng mga doctor para sa ‘Dok’ movie

Leo Bukas

COVID-19 survivor si Enzo Pineda at ang kanyang ama. Ayon sa aktor, nahawa siya kahit fully vaccinated na siya ng isang bisita dumating sa birthday party ng kapatid niya. Siya rin daw ang kahawa sa tatay niya.

“Alam n’yo naman pag nagkaka-birthday, nawawala yung pag-iingat natin, so do’n po ako nahawa ng covid sa bisita po. But my dad, kahit nasa isang certain area siya sa bahay ay nahawa ko pa rin siya.

Enzo Pineda

“Tapos naagapan naman agad actually kasi nagkaroon siya ng pneumonia na very minor pero tinawagan na siya ng doctor na habang maaga pa pumunta na agad sa ospital. Kasi, of course yung karamihan sa atin minsan hinihintay pa natin na maging malala,” kuwento ni Enzo.

Si Enzo ang bida ng pelikulang Dok na nagkaroon ng premiere night sa Sta. Lucia cinema nitong Linggo, April 3, 2021.

“Ako, I had a little bit of everything – ubo, sipon, diarrhea. It happened within a week pero per day iba-iba yung symptoms. Nung nalaman ko na positive yung isa naming bisita, nagpa-swab agad ako. Negative ako nung una pero I doubt kasi nung day na yon medyo nakaramdam na ako pero hindi lang siguro nag-sink in. Tapos yon nga, wala na akong panlasa, humihina na ako,” kuwento ng aktor sa mga naramdamang symptoms ng virus.

Parehong na-confine si Enzo at ang daddy niya sa hospital. Pero kahit covid-19 positive ang aktor ay siya ang mismong nagbantay sa ama.

Ayon kay Enzo, malapit sa puso ang pelikulang Dok dahil na rin sa personal niyang karanasan sa nakamamatay na virus.

“I feel honored kasi isa ito sa mga pelikula na yung story, character ay hindi ko pa nae-experience. Of course, in our line of work, yung mga usual po na projects na ginagawa at least naging breather ito sa akin to try something new and to try something relevant sa ating mga kababayan.

“Kasi we all had our own covid experiences which is why I feel that this movie is somehow relatable to a lot of us. It may not happen exactly pero similar because we all had the virus,” katwiran ng Dok lead actor.

Paano ba niya pinaghandaan ang role ng isang doctor?

Sagot ni Enzo, “Tinulungan ako ng anak na doctor ng producer namin na si Anthony. He was there all through out the film, so I’m very blessed kasi hindi naman ako nag- nursing or pagiging doctor pero I had the opportunity to somehow learn and feel what its like to be a doctor.”

Inaral din daw niya pati language at nuances ng isang manggamot.

“Siyempre ako naman po bilang isang artista gusto ko naman po na accurate yung pag-portray ko kasi kailangan nating iangat yung quality ng work natin na pag doctor ka kailangan lahat ng galaw mo, kilos, at sinasabi mo ay tama. Ako po kasi I’m very critical when it comes to my characters.

“Siyempre ang doctor sanay yan magpagaling ng tao, sanay din makakita ng mga patients na namamatay, so paano yung mga reaksyon. So kailangan kong ipakita na somehow sanay ako sa ginagawa ko,” paliwanag ni Enzo tungkol sa kanyang naging paghahanda.

Ang Dok ay initial venture ng Donya Productions na papalabas sa mga sinehan ng Sta. Lucia, SM MOA, SM Megamall, SM Fairview, SM Southmall, SM Dasmarinas, at SM Cebu ngayong April 6.

Kasama rin sa cast ng family drama sina Mickey Ferriols, Rob Sy, LM Mercado, Aryan Akhtar, Maria de Ramos at Potchi Angeles. Dok is produced and directed by Atty. Angie De Ramos.

Previous articleMcCoy de Leon walang masabi sa live-in partner: ‘Sobrang perfect si Elisse’
Next articleCarlo Aquino kinumpirma ang hiwalayan nila ni Trina Candaza

No posts to display