SOBRANG SALBAHE ang character ni Enzo Pineda sa bagong soap ng GMA 7 na More Than Words. Siya ang magiging mahigpit na karibal ni Elmo Magalona kay Janine Gutierrez.
“Siguradong maiinis ang viewers sa character ko,” aniya. “I’m just really thankful na nabigyan ako ng GMA ng magandang role. Kasi gusto ko ring gumawa ng mga ganito na medyo may pagka-bad boy na maangas, pero loveable pa rin.
“It’s my first time to do purely salbahe na role po. Tapos first time ko rin na mapasama sa isang primetime show.
“So I’m really happy. Mag-i-air na po kami sa November 17. Marami nang eksenang nakunan kung saan makikita kung gaano ako kasalbahe. Like ‘yong mag-uupak ako ng tao, lolokohin ko si Janine at ipapahiya ko siya sa buong eskuwelahan.
May pinanggagalingan naman po kung bakit gano’n kasalbahe ang character ko. Kasi sa story ay galing ako sa broken family tapos kulang sa pansin. Isang mayaman na… trying to be perfect pero marami pala siyang problema inside. Kabaligtaran po ng totoong ako ‘yong character na ipinu-portray ko. Pero hindi naman ako nahirapan kasi nakatulong nang malaki ‘yong workshop.”
May ginawa ring indie film si Enzo. Ito ay ang Bigkis kung saan kasama niya sina LJ Reyes, Mike Tan, at Lauren Young.
“Sa November 7 po ang premiere night no’ng movie. Kasali po ito sa QCinema Film Festival which will be having its awards night sa November 9. ‘Yong story po ng Bigkis is about nurses at saka sa breast cancer awareness. So, makikita do’n sa movie ang pinagdaraanan ng young mothers at maging ng nurses dito sa Pilipinas. Nurse po ang role ko. Last year pa namin na-shoot ang movie na ito. And I’m really excited na finally ay magsi-showing na ito.”
Kapansin-pansin ang malaking iginanda ng built ng katawan ni Enzo ngayon. Talagang hunk na hunk na ang kanyang dating.
“I’ve been very active po recently sa training ko sa triathlon. Tumatakbo ako, nagsi-swimming, nagba-bike. So, I owe it all to that. Ito ‘yong kinahihiligan ko ngayon. At saka masaya kasi I get to eat whatever I want. Basta mag-training lag akong mabuti.”
Mukhang happy rin siya sa kanyang bagong lovelife. Isang non-showbiz girl ang napapabalitang girlfriend niya.
“Okey naman po. Honestly everything is… going my way. So, lahat ano… wala akong problema. Ang pinuproblema ko lang lagi is… fulfilling my job as an actor. Lalo na sa More Than Words.”
Masaya raw si Enzo na napaka-supportive ng kanyang current special someone.
“Talagang she’s number one ano… taga-support sa akin. And she’s one of my inspirations also. What I really appreciate about her is… she understands me. So, I like it because I get to do my own thing pagdating sa trabaho ko. Na, ako talaga. At nakikilala ako ng mga tao bilang Enzo.”
So, ngayon masasabi ba niya na talagang mas okey na karelasyon ang non-showbiz?
“Hindi naman po. Pero iyon ang preference ko.”
Okey na ba sila sa ngayon ng ex-girlfriend niyang si Louise delos Reyes? Friends na sila?
“Para sa akin po, uhm… okey na po ako sa… kami, sa ganitong situwasyon. Dahil honestly hindi pa po kami nag-uusap. Pero given the chance, definitely gusto ko ring makipag-usap. But as of now naka-move on na lahat. So, para sa akin, okey na po ‘yong ganito. Tahimik. Tahimik na po ‘yong mundo ng lahat. And tanggap na namin ang differences ng isa’t isa.”
Pareho silang regular sa Sunday All Stars. Hindi naman sila nag-iiwasan?
“Hindi. Wala naman po. Work is work. So, para sa akin… professionalism. And may pinagsamahan kami ni Louise. So, a… I will always cherish that also.”
So, hindi niya napi-feel na parang ang liit ng mundo kapag nagkakasama sila sa SAS?
“A, hindi po. Para sa akin, tanggap na lang. And uhm… I’m in a better place right now. And siya rin. So, I wish her all the best.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan