ANG MUSLIM Magnum 357 ay unang ginawa noon ng action king na at namayapang Fernando Poe Jr. taong 1986. This year, may version si ER Ejercito ng pelikula at kasali ito sa Metro Manila Film Festival simula Dec. 25.
“Nu’ng panahon ni Ninong Ron (FPJ), 1986, hindi ito napanood ng ibang kabataan, this year, may chance sila to see the movie. Mas high-tech ang version namin ng Magnum 357, naka-laptop na ako rito, may mga tracker, may tracking device, ang mga baril natin dito high-tech na rin,” kuwento ni ER.
Isang undercover agent na Tausug na si Lt. Jamal Rasul, ang gagampanang character ni ER sa pelikula. Si Sam Pinto naman ang kanyang makakapareha.
“Si Sam dito ay si Princess Amira, siya ay Maranao naman. Teacher siya rito. Pero sa last part ng movie, ikakasal kami,” kuwento pa niya.
“Matagal ko nang gustong makatrabaho noon si Sam, kaya lang hindi naman matuluy-tuloy. Buti rito sa Magnum 357 natuloy rin finally. Dapat kami ang magkasama sa ibang pelikula ko noon,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay ER, ang version niya ng Magnum 357 ay tribute niya para sa hari ng pelikulang Pilipino.
La Boka
by Leo Bukas