OLA CHIKKA! Thanks God it’s Friday! Hala bira na naman tayo to the maximum autho-rity of chikka. Last Tuesday kasi, na-sorpresa ako. Kasi naimbita ako sa Laguna sa isang summit ng Laguna Lake sa may Sta. Ana, Bai, Laguna. Napakaraming taong mangingisda na talagang nirereklamo nila ang kanilang lugar na laging binabaha pagdating ng tag-ulan.
Nandodoon ang congressmanng 4th Disrict ng Laguna na si Egay San Luis, na tumatakbo ngayong governor ng nasabing lalawigan. Ito ang dating anak ni Felicing San Luis na dating gobernador ng Laguna.
Nagtataka lang ako. Kasi nu’ng um-attend ako nu’ng nakaraang presscon ng El Presidente, nasabi ng kasalukuyang gobernador na si ER Ejercito na wala siyang kalaban na tatakbong gobernador kaya sure winner na siya. Pero sa dinatnan kong mga tao na um-attend ng okasyong usapin tungkol sa Laguna Lake ay parang hindi nila gusto ang kasalukuyang gobernador. Kasi nga raw kung itong si Egay San Luis ang magiging gobernador, magkakaroon ng gobyernong malinis at serbiyong mabilis.
Sa mga hindi nakaaalam, itong si Cong. Egay San Luis ay guwapo. At naitanong ko kung nag-artista rin siya nu’ng kabataan pa, kasi sa totoo lang, tipong artista talaga. Napag-alaman ko na yes, dati raw siyang nag-artista sa television nu’ng may Chicks-to-Chicks pa sina dating Sen. Freddie Webb at Nova Villa, at sa Iskul Bukol nina Tito, Vic and Joey.
Kaya lang talagang siguro hindi niya linya ang pag-aartista, kasi nag-concentrate na lang siya sa marketing and sales sa television. Naging general manager din siya ng Chan. 9 and 13 noong kapanahunan pa ni Erap, at siya ngayon ang ineendorso ni P-Noy, dahil napakalaking tiwala sa kanya. Kasi bilang kongresista, minamahal at pinagkakatiwalaan siya ng kanyang mga ka-distrito dahil sa naibigay niyang mabilis na serbisyo na naramdaman ng kanyang mga kababayan at ang mga proyektong kapaki-pakinabang lalo na sa mga nasa laylayan at bukirin ng Laguna. At sabi nga ng mga nakausap ko ito, raw talaga ang tinaguriang action man kasi napakadaling lapitan at hindi nagpapahintay ng napakatagal na oras bago ka harapin.
Kaya nga nangako ang kanilang mga kababayan na 100% ang suporta nila kay Egay San Luis at ang buong puwersa ng Liberal Party para maisulong ang kanyang kandidatura para gobernador ng Laguna. Kahit na ang tatlo pa niyang kasamahan sa mga distrito ng Laguna ay nagpasabi na rin ng buong puwersang suporta sa kanya, sina 1st District Cong. Dan Fernandez na isa ring mabait na kongresista at aking kaibigan, 2nd District Cong. Timmy Chipeco at 3rd. District Cong. Ivy Arago.
Kasi naniniwala raw sila na ito ang kasagutan para sa matuwid na pagbabago at mabayaran ang napakalaking utang ng pamunuan ng Laguna tungo sa matuwid na daan na isinusulong ni P-Noy at kung ito nga naman ang pagkakatiwalaan, madaling maaprubahan ang mga proyekto ng Laguna. Kasi katiket siya ng Presidente Noynoy.
Kaya sa aking pananaw medyo tagilid ang dating gobernador ng Laguna at hindi totoong wala siyang kalaban kung hindi mayron at mayron at napakalakas pa na parang isang kidlat sa bilis ng serbisyo ni Egay San Luis. Say mo?
PITIK-BULAG: Sino itong bagets, actress TV-host na parang sumunod na sa yapak ng kanyang maderaka as in karmatic beauty?
Unti-unti na ring nawawala ang career nito, kasi lumulusog na rin siya. Ay nakakalokang chikka!
Naku naman, kung ako sa kanya hinay-hinay lang ako, kasi baka mawalan siya ng career, ‘te.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding