“Erap” ang Dahilan ng Lahat

HALATANG NAGPAPASIKAT o kaya’y nang-iinggit itong si dating Pangulo Erap Estrada nang banggitin nito na ang halaga ng kanyang biniling bahay sa Maynila ay P80 milyones “lang”!

Ang hindi magandang pakinggan ay ang terminong “lang”.

Wala tayong pakialam parekoy sa figure na P80-M, dahil tanging siya lang ang nakaaalam kung magkano talaga ang naging savings niya sa maikling panahon sa Palasyo.

Pero hindi natin dapat kalimutan na ang dahilan ng pagpatalsik kay Erap mula sa Malakanyang ay pEra! At hindi ordinaryong pEra!

At convicted din siya sa kasong pandarambong ng malaking halaga ng pEra! At ngayon ay nagtatamasa si Erap ng limpak-limpak na pEra!

Na para sa kanya, ang P80 milyones ay maliit “lang” na pEra! Tapos isisigaw niya na Erap para sa mahirap!

Sa totoo lang, parekoy, diskuntento rin tayo sa uri ng pamumuno ni Fred Lim sa Lungsod ng Maynila dahil nga sa isyu ng “tumbang-preso”.

Pero at least hindi siya nagmamalinis…. Kaya nga “Dirty Harry”!!!

Next issue na natin hihimayin parekoy itong si “tumbang-preso”.

Sa ngayon, sisilipin muna natin itong si Asiong Aksaya aka Erap para sa mahirap.

Sa mahigit pong dalawampung taon ng paghawak ng pamilya nito sa San Juan, gumanda ba ang nasabing lungsod?

Nagkaroon na ba ng mga programang nauukol para sa mahihirap? Gaya na lamang ng ospital para sa mahirap? Edukasyon para sa mahirap? Pabahay para sa mahirap? Livelihood para sa mahirap?

Wala, wala, wala at lalong wala! Hak, hak, hak!!!

Hindi ba’t nagkasakitan pa noong mga nakaraang buwan dahil sa isinagawang demolisyon sa San Juan kontra sa mahirap?

Tapos ngayon ay aarte na kesyo nakaaawa ang Maynila, kaya dapat pagandahin ang Maynila!

Ginoong Asiong Aksaya sir, bakit hindi po kayo nahabag sa mga taga-San Juan gayong ang mga ito ang unang nagtiwala sa iyong bola-bolang kamatis noong una kang pumasok sa pulitika?

Bakit hindi mo man lang sila kinahabagan na kahit isang gusgusing ospital para sa mahirap ay hindi mo yata naipatayo kahit naging Pangulo ka na?

Bakit hindi mo man lang napagsabihan sina Jinggoy at JV na ayudahan ang mga mahihirap noong naging alkalde ng San Juan ang dalawa mong anak?

Bakit hindi mo man lang naawat ang isa mong asawa na si San Juan Mayor Guia Gomez na huwag i-demolish o kaya ay huwag saktan sa demolisyon ‘yung kawawang mahihirap ng San Juan?

Sa totoo lang, parekoy, higit sanang kapani-paniwala sa mga taga-Maynila ang anumang pambobola na gagawin sa kanila ni Asiong Aksaya kung inayos muna niya ang San Juan bago niya sabihing pagagandahin ang Maynila.

Uulitin ko, parekoy, ang pagpatalsik kay Erap ay pEra ang dahilan. Gayundin ang pagka-convict nito ay dahil sa pandarambong ng pEra.

At alam naman natin na ang Maynila, kung ikukumpara sa San Juan ay mas maraming pEra!

Hindi kaya ito ang tunay na dahilan ng paglusob ni Erap sa Maynila?

PAKINGGAN ANG aking programang ALARMA Kinse Trenta sa radio station DZME 1530 kHz, AM band, alas 6-7 ng umaga, Lunes-Biyernes. Mapapanood rin ito via live streaming sa www.dzme1530.com. Anumang reaction, ipaabot lang sa [email protected] o CP nos. 09098992775/ 09166951891/ 09321688734.

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articlePinoy Parazzi Vol 5 Issue 65 May 16 – 17, 2012 Out Now!
Next articleSatanas sa Lupa

No posts to display