PAGKATAPOS NG PREMIERE night ng Ang Tanging Pamilya, ewan kumba’t gano’n ang feeling namin. Parang hindi masaya si ex-Pres. Joseph Estrada matapos mapanood ang pelikula nila ni Ai-Ai delas Alas.
Hindi naman kami nang-iintriga, ha? Kasi, sa bandang likod namin, ang sey, “’Kala ko ba, pelikula nila ‘to? Ba’t parang lumalabas, pelikula nina Ai-Ai, Toni at Sam Milby? Kokonti lang ang exposure ni Erap?”
In fairness, aliw rin naman ang pelikula. Maraming eksena ang nakatatawa na ang napansin pa namin, ‘yun mismong mga kasamang artista, eh, natatawa samantalang sila naman ang kasali sa pelikula.
Pero ano kaya’ng dahilan? Ba’t tila iritado si Erap nu’ng gabing ‘yon? Aba, kahit daw si Dra. Loi Estrada, hindi nasiyahan sa naging exposure ni Erap sa pelikula, eh.
ME NAKARATING SA amin na kaya pala kokonti ang exposure ni Erap sa movie ay dahil naging “mainipin” ang dating Pangulo sa set ng pelikula.
“Sa pagiging professional ay wala kang masasabi ke Erap. On time palagi ang dating. Kaso, madali siyang mainip. Kunwari, 30 minutes pa lang siyang naghihintay, sa kanya, parang dalawang oras na ‘yon.
“Gusto pa niya, laging siya ang uunahing kunan. ‘Pag nagsabi siya ng, ‘O, ala singko nang hapon, alis ako, ha?’ Alis talaga siya whether tapos o hindi tapos ang mga sequences.
“Eh, ‘pag big scenes, ganu’n din. Gusto niya, unahin siya. Eh, siyempre, kailangan namang kunan muna ang master shot, ‘di ba, bago ang kanya-kanyang eksena?
“Kami naman sa set, naiintindihan namin siya, eh. Kasi nga, nu’ng araw, ‘pag gumagawa ka ng pelikula, ‘yun lang dapat ang ginagawa mo. Hangga’t hindi tapos, hindi ka puwedeng gumawa ng ibang movies.
“Eh, iba na ang panahon ngayon. Siyempre, me mga teleserye na. Nanggagaling pa ‘yan sa taping ng show nila, me raket si ganito. Kaya hindi lahat, sabay-sabay ang calltime.
“Hindi mo rin masisisi si Erap, kasi, more than two decades siyang hindi gumawa ng pelikula. At nandu’n pa rin ‘yung feeling niya, kung ano ang ugali ng artista noon at kung ano’ng set up noon ng mga production, akala niya, ‘yun pa rin ang daratnan niya ngayon!”
ALAM N’YO KUNG sino ang nakaaaliw? Itong si Aling Dionesia Pacquiao na ‘pag humihirit, hagalpakan sa katatawa ang mga tao. Juice ko po, 60 years old lang pala si Aling Dionesia, pero parang 75 na ang edad.
“Alam mo, kasi, galing si Aling Dionesia nu’ng araw sa hard life. Sobrang hirap ng buhay nila noon, kaya ang aga niyang tumanda.”
Oo nga, eh. Kitang-kita sa fez ni Aling Dionesia. Ewan kung may nagsabi na sa kanyang since bongga naman ang kanyang career, ba’t hindi siya magpabanat ng mukha para naman umayon sa tunay niyang edad ang kanyang mukha?
Aba, malay naman natin kung ‘yun na ang next na balak ni Aling Dionesia, ang magpabanat ng mukha nang mawala na ang mga muscle-muscle sa pisngi at noo niya.
Baka nga ang ending pa niyan, eh, mas maganda pa siya ke Jinkee Pacquiao, eh.
Pero hanep din ang energy ni Aling Dionesia, huh! Sa sobrang energetic at aliw niya, feeling namin, hindi nagkamali ang kumpanyang kumuha sa kanyang mag-endorse ng Osteo-Guard, kaya hindi rin nirarayuma at hindi sumasakit ang buto-buto ni Aling Dionesia kapag sumasayaw na.
‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.
Oh My G!
by Ogie Diaz