PALIBHASA MAGANDANG pelikula ang Hari Ng Tondo na dinirek ng internationally-acclaimed director na si Carlitos Siguion-Reyna sa panulat ni Bibeth Orteza, kaya nakipagsanib-puwersa ang Star Cinema sa Reyna Films Inc., at Central Digital Lab sa nalalapit na mainstream theatrical release starting October 1, nationwide. Ito’y ang official entry sa Director’s Showcase category ng ika-sampung installment ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival (Cinemalaya X) last August 2014.
Nang i-offer kay Eric Quizon ang nasabing pelikula, agad nitong tinanggap ang project. Paliwanag ng actor, “First, maganda ang script kahit maikli lang ang role ko rito, pero challenging naman. At saka, Carlitos Siguion-Reyna movie, how can I go wrong with that, ‘di ba? Kasama ko po sina Robert Arevalo, Rex Cortez, Liza Lorena, Aiza Sequerra, Carlos Morales, Ali Sotto, Ciara Sotto, Mark Tayag, Lorenz Martinez.”
Kahit director na si Eric, nasa dugo pa rin niya ang pagiging actor. “Okay ako sa pagdi-direk, but I guess, once an actor always an actor, ‘yun lang. Kumbaga, kapag iniisip kong mag-aartista ako na lalabas ako ulit sa pelikula, akala ko manganganay ako, pero hindi. ‘Yung first take sabi ko, parang nakakatakot dahil ang tagal ko nang hindi ginagawa ito, hindi naman pala. Pagkatapos nu’ng take okay na ako,” say ng binata.
Mas may pressure para kay Eric ang pagiging director kaysa pagiging actor kasi nga kapag director ka, maaga pa lang nandu’n ka na sa set. Kapag pack-up na, ang director ang huling aalis sa set. Mas ngarag nga raw talaga kapag ikaw ang director kaysa ikaw ‘yung artista. “‘Yun nga lang, mas may time kang magpahinga para sa sarili mo dahil artista ka more than ikaw ang director. When you direct you immerse yourself in the whole project.”
Pangatlong beses na palang gumawa ng indie movie si Eric. ‘Yung una, it’s a short film, hindi na maalala ng actor ang title nito na kasama niya sa cast si Lou Veloso. “Ang role ko, mayaman ako, si Lou mahirap siya tapos nagpalit kami ng identity parang ganu’n. I can’t remember the name of my director. After that short indie movie, I have done full length,” say niya.
Ang huling pelikulang dinirek ni Eric ay ang “Nobody, Nobody But Juan” with his Daddy Dolphy under RVQ Production (2009). May plano ring magdirek ng indie movie ang magaling na actor pero hindi pa raw sa ngayon dahil sa hectic schedule niya sa ABS-CBN as a director. “I’ll think about it, I have a lots of ideas in mind. Right now, wala pa naman but I would love too. ‘Yun lang kasi siyempre, kapag gumawa ka ng indie, hindi ka puwedeng umalagwa du’n sa gusto mo. Project wise, no matter what it is as long as you dedicated and you want to do the project I guess, gagawa at gagawa ka ng paraan na gawin ‘yung project.”
After Singko, nagbalik-Kapamilya si Eric as a director ng Ipaglaban Mo. “I directed 2 episode already. Tapos nag-MMK ako, Maalaala was the first project ko sa kanila as a director professionally, 1996. I was a semi-regular for MMK for 2 years and then nag-Once Upon A time din ako. Right now, I’m starting a new soap as a director, pang-primetime. Wala akong contract sa Ipaglaban mo. My contract is for the soap, itong IM para lang akong nagdi-direk for them. Maraming director ang Ipaglaban Mo. Their asking me nga last week to direct IM, hindi ako makasagot dahil nag-uumpisa na nga itong bagong soap ko,” pahayag niya.
Kahit gaano ka-busy si Eric as a director, pabalik-balik siya sa Hong Kong na second home na ng actor. “I have a company there, nagpo-produce ako ng concert sa Hong Kong. This Nov. 2, I’m bringing Eat Bulaga in Hong Kong. I coordinate, I look for the sponsor, venue, mga ganu’n. Kaya nga nahihirapan ako dahil ang dami kong inaasikaso. Ang maganda, tinutulungan ako ng mga kapatid ko sa aming foundation kaya nakakatanggap ako ng mga project,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield