Kahit may kalakasan ang ulan dahil sa habagat, hindi pa rin mapigilan ang mga fans na sumugod sa Cinema 7 ng SM Megamall last night Tuesday para sa preem night ng beki movie na “That Thing Called Tanga Na”na pinagbibidahan nina Kean Cipriano, Billy Crawford, Eric Quizon, Martin Escudero, at Angeline Quinto.
Super traffic ng EDSA patungong preem. Nagkandabuhol-buhol ang mga sasakyan sa fly-over patungong Pasig, pero hindi ‘yun nagpahinto sa amin na maunang panoorin ang pelikula tungkol sa mga bading. Beki Love, Beki Aspiration and Beki Life ang kabuunan ng pelikula.
Laugh trip ang mga manonood sa loob ng sinehan.
Puno ang orchestra at balcony area lalo na ‘yong mga naka-salampak na sa mga gilid para makisaya sa gay romcom ng taon na pelikula na akmang-amak sa mga LGBT.
Tinalakay ang iba’t ibang klase ng pag-ibig at relasyon ng isang bakla sa pelikula ni Direk Joel Lamangan.
Ang galing ni Eric Quizon sa portrayal niya as a gay dad na ang mga hugot lines niya ay mula sa mga pelikulang Filipino at swak na swak sa pagiging Mama Chiu karakter niya na hinuhuthutan lang ng boyfriend niya played by Albie Casiño.
Clap kami sa galing ni EQ. Talyada at umaawra ang actor sa kanyang mga eksena.
Si Kean hindi patatalo as C.C. ang bonggaderang fashion designer na ang gusto ay siya ang pakasalan ng boyfriend niya played by cutie Ken Alfonso.
Si Billy, plays Blado, ang macho sa umaga pero pagdating ng gabi ay isang maalaga at mapagmahal na partner ng kanyang ka-live-in na sa kabila ng kanyang mahaderang “mother-in-law” played by Vangie Labalan na palagi sila nagkakaroon ng conflict ay ayaw patalo sa kanyang first gay role sa kanyang showbiz career, na maging ang girlfriend na si Coleen Garcia na kasama niya that evening, natatawa sa bf sa pinaggagawa niya sa movie.
Si Angeline, komikera talaga. Aliw ang pagiging sintonadong singer niya na buirit pa rin nang birit. ‘Di nga ba’t tawag ni Direk Joel kay Angge, ang in-born na babaeng bakla?
Si Martin na pa-girl, epektib din tulad sa kanyang role na beki sa “Zombadings” noon. Ang ganda ni Martin kapag nakaayos babae na isang parlorista na pangarap na magkaroon ng anak.
Maraming fans si Luke Conde ng #Hastags. He plays the lover of Martin na naging chummy ang misis nito. Kapag lumalabas sa wide screen si Luke, daming mga faney niya ang nagtitilian.
Ang beki movie na tungkol sa buhay at pag-ibig ng mga bekis ay ginawa para sa mga bekis. Ito ang aim ni Mother Lily.
Say nga ng Regal Films producer, “I love gays, kaya regalo ko sa kanila ang movie na ito.”
Sa preem night ay kasama ni Kean ang misis na si Chynna Ortaleza na first showbiz gathering exposure niya after nag-lie low ang aktres more than a year ago.
Si Martin that evening ay kasama naman ang girlfriend niya na modelo. Super guwapo at charming ng binata sa kanyang maikling haircut.
Reyted K
By RK VillaCorta