Sumambulat two weeks ago ang hiwalayan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga. Marami ang nagulat. Akala nga ng karamihan, ang kasunod na eksena ng dalawa sa sobrang tamis ng kanilang pagmamahalan ay kasalan na.
Hindi third party at hindi pera ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa ayon sa “peryang palabas” ngayon ng dalawa after magpagpag si Erich ng kanyang hugot sa publiko.
Sa official statement ng Star Magic na nagha-handle ng career ni Erich, hindi third party at hindi pera ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa na for sure ay kinausap muna ng Star Magic ang dalawa bago sila naglabas ng sinasabing “Official Statement” nina Erich at Daniel.
After Valentine’s Day, nagharap ang dalawa bago lumipad papuntang San Francisco, California, kung saan may show sila. Hindi nga naman magandang tingnan na noong una na ibinibenta ang show ng dalawa ay super sweet sila at ngayon na haharap sila sa kanilang suporters ay magkaaway sila. ‘Di nga ba’t say ni Erich na hindi sila “friends” ni Daniel?
Bad for business kung ang “love team” ng dalawa ay tuluyang masira dahil namuhunan na sa kanila ang ABS-CBN.
Kung tao ka na nag-iisip, kung hind third party ang rason, e ‘di pera for sure, ‘di ba Vanessa Matsunaga?
Akala ko nga magte-tell-all si Erich na napo-provoke dahil pati pamilya ng binata ay nadamay na.
Funny. Sa kaguluhan na gusto nilang tuldukan na eksenang gawa ni Erich sa simula, hindi niya alam kung papaano ito tatapusin.
Parang nag-flashback sa akin tuloy ‘yong eksena sa buhay ni Erich na supposed to be ay engaged na siya sa isang mayamang non-showbiz boyfriend na balita namin noon ay mula sa isang rich Chinese clan na ang lolo ng lalaki’y nagmamay-ari ng malalaking shopping malls sa buong bansa.
‘Di nga ba’t pinatay ang istorya ng naunsyaming “relasyon”?
Paano kaya ang kredibiliad ni Vanessa na may money issue na ipinahihiwatig? Kumusta naman ang magiging pagtanggap ng pamilya ni Daniel sa dalaga kung sakaling maayos muli ang dalawa at magkabalikan?
Pero kahit sinasabi ngayon ni Erich na hindi third party at hindi pera ang rason ng lahat, interesado pa rin akong marinig ang kuwento sa “They want me to speak up… I will tell all” na hamon ng dalaga sa kampo ng mga Matsunga noon.