KAHIT SA-ANG angu-lo mo man tingnan, guwapo si Mario Maurer na isang Thai Teen Heartthrob and Superstar.
Kaya nga ang suwerte ni Erich Gonzales na sa susunod niyang pelikula, ang binata ang makakapareha niya sa Suddenly It’s Magic ng Star Cinema.
A couple of years ago in the early 2000s,I was in Bangkok for a short vacation.
On the side, I often try to watch Thai Films, lalo na ang mga suspense-horror thriller nila na swak sa panlasa namin, kahit hindi namin naiintindihan ang dialogue pero may subtitle naman in English.
Outside of the cinema sa theatre marquee, may poster na nakasabit na guwaping ang bidang lalaki.
Hindi pa namin kilala si Mario nu’n. Pero sa mga TVC niya, napapansin na namin siya.
Kamuka’t mukat ko, ang teen heartthrob na napanood namin sa sinehan ay isa palang sikat na Thai young actor.
Ang poster ni Mario, halos nagkalat sa mga small shops & boutiques sa may Siam Square at binibenta sa Chatuchak Weekend Market.
Tambak din ang sangrekwang novelty items featuring Mario’s beautiful and pleasant face sa bangketa sa Patpong.
Napag-alaman namin nu’n na hindi lang pala siya sikat sa Thailand kundi pati sa Hong Kong at Singapore.
Pero mas na-confirm namin na “super sikat” siya sa mga kabataan nang kunin siya ng isang Philippine-based clothing brand para maging endorser nila two years ago.
Noong pinanood namin ang The Mistress, two weeks ago ay ipinalabas na ang trailer ng pelikula nila ni Erich.
Sa totoo lang, kinikilig ang mga babae (mostly girls ang pumuno ng loob ng sinehan) sa binata kapag naka-flash sa screen ang maganda niyang mukha.
Sa PR department ng Star Cinema, huwag na sanang ipilit na i-link ang dalaga kay Mario, dahil may girlfriend ang teen heartthrob (type ang binata ng mga Pinoy beki, huh!).
Oks na friends sila ni Erich dahil ang dalaga naman ang nagturo sa kanya na magustuhan ang ulam na-ting “adobo”.
TAMA LANG marahil ang stand ni Aiza Seguerra na karapatan ng Pinoy na turuan ng ating gobyerno kung papaano gumamit ng condom sa sangrekwang problema ng bansa sa over population na hindi kayang tugunan ng pamahalan ang problemang ito.
Tama rin lang na itaguyod ang RH Bill para matuto ang Pinoy sa iba’t ibang pamamaraan para mag-family planning.
Para sa singer who is celebrating her 25th year in showbiz with a concert at the Smart Araneta billed Bente Singko, “Okey na ako sa RH Bill na ipasa kaysa makita ko ang mga fetus na tinatambak na lang sa basurahan at kung saan-saan.”
SA 46TH year birthday party ni Sen. Bong Revilla na ginawa sa Diamond Hotel last Monday,sinabi nito na ang anak na si Jolo Revilla ay kakandidato sa pagka-bise-gobernador sa Cavite.
‘Pag nagkataon pala at manalo si Jolo sa Cavite sa 2013, tatlong Revilla na ang mamumuno sa Cavite. Si Congresswoman Lani Mercado; Bacoor Mayor Stike Revilla; at ito ngang si Jolo.
Ito na nga marahil ang tinatawag nilang “political dynasty”. Just asking.
Reyted K
By RK VillaCorta