Erich Gonzales at Enchong Dee, ‘di maganda ang working relationship?!

SA MOTORCADE nu’ng nakaraang Monday ng buong cast ng Maria la del Barrio, una naming nakausap si Enchong Dee, kung saan ‘di na itinago ng young actor na nagkaroon pala sila talaga ng tampuhan ng kaparehang si Erich Gonzales habang nagti-taping sila ng pinagsamahang serye.

Ayon sa aktor, pinagharap at kinausap sila pareho ng kanilang direktor na si Direk Rory Quintos kung saan nagkasabihan ng kani-lang mga sama ng loob na nauwi naman sa pag-aayos. Nang tanungin namin kung may kinalaman ba ito sa matagal nang binabatong intriga kay Erich na dahil daw ito sa attitude problem ng kapareha, ipinagtanggol naman ni Enchong na wala siyang naging problema kay Erich pagdating sa ugali nito sa set ng teleserye, pero hindi niya alam sa ibang mga katrabaho nito sa ibang proyekto. Siniguro rin sa amin na hindi naapektuhan ang working relationship nila ni Erich kung saan kita naman na epektibo nilang nagampanan ang kanilang roles sa teleserye.

Sa interview naman namin sa young actress, ‘di rin nito itinago na totoong pinagharap at kinausap sila ni Direk Rory Quintos at dito lang niya nalaman na may sama pala ng loob sa kanya ang kapareha. Nang tanungin namin kung ano ba ang rason ng tampo sa kanya ni Enchong, ayaw na itong i-elaborate pa sa amin ng aktres, ang tanging nasabi niya sa amin ay malillit na bagay na lumaki na lang pero mabuti naman at naayos din agad.

Pinag-usapan din namin ang ‘di mamatay-matay na isyu kay Erich na may attitude problem daw siya. Matalinhaga ang sinagot sa amin ng young actress na tumatahol lang daw ang aso sa mga taong ‘di kakilalala nito. Para kay Erich, ang mahalaga ay ang relasyon niya sa mga taong totoong nakakakilala sa kanya, kaysa sa mga taong ‘di naman siya kakilala ay hinuhusgahan siya.

Pagkatapos ng Maria la del Barrio, magkakanya-kanya muna sina Erich at Enchong. Magiging abala ang aktor sa shooting ng pelikulang The Reunion ng Star Cinema, samantalang magpopokus naman si Erich sa promo ng pelikulang Corazon. Ang Unang Aswang kung saan kapareha niya si Derek Ramsay, at sa pelikulang pagtatambalan naman nila ni Mario Maurer.

SA INTERVIEW namin kay Nina sa nakaraang mini-concert niya sa Metro Bar entitled Stay Alive na titulo rin ng bago niyang album, ‘di tinago sa amin ng Soul Siren na nalulungkot, masama ang loob at pinagtataka niya kung bakit ‘di prinomote ng Universal Records ang kanyang album gayong

kilala ang nasabing recording company na talagang puspusang mag-promote ‘pag may bagong album ang mga artists nito.

Ilang beses na ring nagkausap ang kapatid cum manager na si Dew Ann at ang pamunuan ng Universal, pero wala rin namang aksyon na ginagawa ang Universal. Magbibigay ito ng sked pero sa kalaunan ay ‘di naman natutuloy. Ang kampo na lang ni Nina ang gu-magawa ng paraan para mapunan ang sked ng singer at ma-promote nang husto ang album.

Tapos na ang exclusivity ng kontrata sa Universal at ngayon ay kailangan na lang i-promote ni Nina ang album niya rito. Nang tanungin namin kung may regrets ba siya na lumipat siya sa Universal mula sa dating kumpanya, ang Warner Philippines na bongga talaga ang promotion ng mga album niya dati, nagbigay pahayag sa amin ang singer na wala siyang pagsisisi dahil sila ang nagdesisyon nito at hindi ibang tao.

Nag-top 6 sa Central Chart ang album niya kung saan ipinagpapasalamat ni Nina na kahit kulang sa promo at ‘di siya gaanong vi-sible sa telebisyon ay sinusuportahan pa rin ng mga tagahanga niya ang kanyang mga kanta. Hindi gaanong napapanood sa telebisyon sa ngayon, para kay Nina ay bonus na lang sa kanya ang mapanood sa TV dahil kahit noon pa man ay nag-e-enjoy talaga siya sa mga live performances at gigs na ginagawa niya ngayon, at hindi nila nire-relay ang career niya sa telebisyon.

Hanggang sa ngayon, naka-hold pa rin ang offer niya sa TV5, ayon kay Nina ay pinag-iisipan nila nang husto kung ano ang konspeto ng nasabing istasyon at kung ano ba talaga ang magandang plano nito para sa kanya.

Successful at punung-puno ang nakaraang shows sa Music Museum at sa Metro Bar kung saan standing at pinatigil na nga lang ang pasok ng tao dahil punung-puno ang venue. Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagsigaw ng ‘more’ kay Nina na pinagbigyan naman ni Nina kung saan kinanta niya ang pinasikat niyang Someday.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Previous articleSarah Geronimo, todo-bigay sa first episode ng bagong show
Next articleSa hinaba-haba ng kunsumisyon Vicki Belo at Hayden Kho, sa hiwalayan din ang tuloy!

No posts to display