Sipat-eklat: Erich Gonzales, ayaw nang pag-usapan pa ang isyu sa kanila ni Ejay Falcon!

SIPAT: ‘KRISTA RANILLO is NOT PREGNANT!’ Sey ng MANAGER ng SEXY STAR na si ARNOLD VEGAFRIA.
EKLAT: So, OB-GYNE na rin pala siya?

SIPAT: Susme, BAKIT naman MAGBUBUNTIS si KRISTA, e, WALA namang NABABALITANG BOYFRIEND ang SEXY STAR?
EKLAT: ULITIN lang po natin: WALANG NABABALITANG BOYFRIEND si KRISTA!

SIPAT: HINDI COUNTED ‘yung TSISMIS sa KANILA ni MANNY PACQUIAO, ha?
EKLAT: TSISMIS lang ‘yon. WALANG BASEHAN. Kahit TANUNGIN n’yo pa si JINKEE!

SIPAT: AYAW na raw MAPAG-USAPAN pa ni ERICH GONZALES ‘yung ‘KAYA-KA-SUMIKAT-DAHIL-SA-AKIN’ STATEMENT ni EJAY FALCON.
EKLAT: Baka nga naman MAS SUMIKAT pa ang BATANG AKTOR!

SIPAT: MABUBUNTIS daw si MARIAN RIVERA ngayong 2010, ayon sa HULA.
EKLAT: Ang HULA namin… MAS MAGIGING MAINGAT sila ni DINGDONG DANTES!

SIPAT: ISANG ‘VETERAN ACTOR’ daw ang MAMAMATAY this year, sey pa rin ng isang MANGHUHULA.
EKLAT: Hmmm… MASYADO namang OBVIOUS ang HULA!

SIPAT: HULA namin… MARAMING MAMAMATAY ang CAREER this YEAR.
EKLAT: LALO na ‘yung mga LUMIPAT ng IBANG TV NETWORKS!

SIPAT: ABSENT si BIG BROTHER sa BAHAY ni KUYA. NAGKASAKIT daw sa SOBRANG PAGTUTOK sa mga HOUSEMATES. KAKAPUYAT!
EKLAT: Uy, PUWEDENG REPLACEMENT si GERMAN ‘KUYA GERMS’ MORENO. Sanay ang MASTER SHOWMAN sa… ‘WALANG TULUGAN!’

SIPAT: HINDI raw sa BAHAY niya TUMULOY si MELISSA RICKS nang MAGLAYAS ito, sey ni JAKE CUENCA.
EKLAT: Ahmmm… nag-CHECK-IN sa isang HOTEL ang YOUNG ACTRESS?

SIPAT: Ay, HINDI raw TOTOONG NAGLAYAS si MELISSA, sey uli ni JAKE.
EKLAT: Ahmmm… nag-OVERNIGHT lang sa isang HOTEL ang YOUNG ACTRESS?

SIPAT: HINDI rin daw TOTOONG MAGSYOTA na sila ni MELISSA, sey pa rin ni JAKE.
EKLAT: Ahmmm… mag-MU lang kaya sila?

SIPAT: Blind Item: Sa HALAGANG P3K, e mate-TAKE HOME na ang YOUNG ACTOR na ito. Basta may maipang-SHABU lang.
EKLAT: Clue: NAKAKASAMA siya sa mga TV SHOWS ng ILANG BIDA sa TAAS!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleMarian Rivera, sinumpong na naman ng pagkamaldita?! – Lolit Solis
Next articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #217: January 7, 2010

No posts to display