GRABE ANG BATIKOS sa column item namin tungkol kay Sarah Geronimo. Marami ang nagtanggol sa dalaga at sinabing hindi raw Flop Star ang Pop Star.
Ang nakakaloka, karamihan sa nag-react ay mukhang hindi nabasa ang item namin about Sarah. Ang tinutukoy namin ay hindi ang concert o ang movies ni Sarah dahil alam naman naming box-office success ang shows ng dalaga at maging ang pelikula nito ay humataw sa takilya.
Ang sinasabi namin, sa TV series na IDOL ay mukhang semplang si Sarah. ‘Yung last soap din ng dalaga ay hindi rin nag-click. At dahil dito, baka sa halip na Pop Star ay Flop Star ang itawag sa kanya.
Nakakatawa ang ibang tao, nagre-react kahit na hindi naman nila nabasa nang buo ang aming item. Ano nga’ng tawag sa gano’ng tao? Kung kami ang tatanungin, no read, no write. O, baka may mag-react na naman diyan. Hindi namin sinasabing illiterate ka. Ang ibig naming sabihin, kung hindi mo na-read, ‘wag ka nang mag-write dahil nagmumukha ka lang ewan! Intiende?
AYAW NANG PATULAN ni Luis Alandy ang mga patutsada ni DJ Mo na sinaktan niya ito noong naglaro sila ng basketball.
“It’s just a basketball game. Kasi ‘pag nagsalita ako, magsasalita na naman siya. Parang… there’s nothing to talk about. Sa Star Olympics nga ang daming nangyayaring ganyan, eh. Hindi naman pinapalaki nang ganyan. Hindi naman sinasabi sa TV na “O, nasiko ako ni ganyan”, “natamaan ako ni ganyan”. It happens in a basketball game. It’s a physical game,” paliwanag ni Luis sa presscon ng Beauty Queen na pinagbibidahan ni Iza Calzado.
“Basketball lang. Wala na ring dapat pag-usapan. Natatawa lang ako. Natatawa ako roon sa… parang ang dami kasing sinasabi. Alam ko naman ‘yung… marami naman ang nasa game so alam naman nila ang totoo,” dagdag-paliwanag pa ni Luis.
ITINANGGI NI JOHN Lloyd Cruz na may communication pa sila ni Ruffa Gutierrez. Ginawa niya ang pagtanggi sa Imortal presscon. “‘Yung GPS ba ‘yung tawag doon? Hindi po totoo ‘yon. So, wala po kaming ganoong technology sa aming mga hawak naming cellphone. Wala na, wala na,” sabi ni John Lloyd tungkol sa napabalitang tumatawag pa siya kay Ruffa.
At nang mabalitaan naman niyang intresado si Kim Chiu na makatambal siya sa movie, nagpakita rin si John Lloyd ng interes na makasama ang bida ng ‘Till My Heartaches End sa pelikula.
NAGKAPASA AT NAGKAROON ng galos sa katawan si Erich Gonzales dahil dinumog ito ng mga tao sa meet-and-greet nito sa Tabaco, Albay City noong weekend kaya naman na-cancel ang 2nd event ng aktres sa Legaspi City. Sabi naman ni Erich sa KTEXT noong Sabado: “Don’t worry po, I’m safe and resting now. Medyo nagkagulo po kanina kaya nagkaroon ako ng bruises. Sorry po, they’ve decided to cancel the other meet-and-greet because of what happened. Thank you po sa mga taga-bicol sa warm welcome sa akin. I’ll be back in Manila tomorrow morning. God bless. Good night.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas