SALAMAT sa Diyos at always nakasuporta kay Erich Gonzales. Super risky kasi para sa aktres ang ginawa niyang mga eksena sa pelikulang “We Will Not Die Tonight” na isa sa walong official entries para sa FDCP’s 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino na magaganap sa August 15-21.
Dalawang nakakamatay na eksena ang ginawa ng aktres (without a double), sa pelikula kung saan nag-rapelling siya sa kable ng isang lumang elevator na nakuryente siya.
“Bukod sa malakas ang voltage, pwede niya mabitawan ang kamay niya na nakahawak sa kable,” kuwento ng director ng pelikula na si Richard Somes.
Sa isang eksena naman kung saan nahulog siya, napaikutan ang leeg niya ng mga alambre na kung hindi naagapan at natanggal ang mga ito ay maaaring dedbol na si Erich
Sa pelikula, gusto ni Direk Richard na ipagawa sa double ang mga eksena pero tumanggi ang aktres
”Kasi sabi ko kay Direk nang nag-commit ako to do the film, kasama na doon ang assurance ko that I will do the scene,” paliwanag ng aktres.
Ang pelikula ay unang produced movie ni Erich with Direk Richard’s own film outfit.
Reyted K
By RK Villacorta