AYON kay Erich Gonzales, bida at producer ng action film na We Will Not Die Tonight, worth it ang experience niya bilang producer ng pelikulang idinirek ni Richard Somes na showing simula Aug. 15 bilang bahagi ng Pista ng Pelikulang Pilipino
“Worth it talaga, ibang klaseng fulfillment pag napanood mo yung pelikula. Nakaka-proud lang talaga na hindi namin akalain na,” kuwento ng aktres.
Aware din si Erich na posibleng malugi ang kanyag investment sa pelikula.
“Of course, yes po. Ako, personally, I’m not after don sa money kung mababalik ba or what . Pero nabalik na po siya, nabalik na siya. Nabili na siya, na-acquire na siya, yung TV rights,” masaya niyang balita.
Dagdag ng aktres, “Pero ginawa talaga namin ito ni Direk hindi naman para kumita, kasi nung time na yon sabi ko talaga gusto kong makagawa ng isang pelikula na hindi ko pa nagagawa ever before. Gusto kong mahirapan, gusto kong ma-experience yung kakaiba, so eto na yon, dumating yung We Will Not Die Tonight.”
Magpo-produce ba ulit siya ng pelikula?
“Yes, kahit hindi na po ako yung artista, basta may istorya na maganda at kakaiba puwede po nating i-produce yan.
“Siguro, as a producer hindi ako babase sa kung sino yung super sikat or big name, siguro do’n ako titingin kung sino talaga yung nababagay sa story at don sa role. It’s nice also na mabigyan ng chance yung… marami tayong magagaling na artista dito na naghihintay lang ng break nila.
“Tulad ko before ang tagal kong naghintay, di ba, so sana in a way makatulong din tayo sa kanila at maging instrument ako para magawa nila yung gusto nilang gawin,” huling pahayag ni Erich.
La Boka
by Leo Bukas