BATA PA PALA si Jed Madela, pinapantasya na niya si Sharon Cuneta. Inamin niya itong muli sa presscon ng Star Magic recently.
“Kaya siguro, mahihirapan akong magka-crush uli, dahil ang taas-taas ng standard ko, megastar na nag-iisang lamang,” aniya.
Isa si Mega sa ginagamit ng kanyang mga magulang para ma-inspire siyang pagbutihin ang talino niya sa pagkanta. “Sinusulatan nila kunwari si Sharon at sabi sa akin, sinasagot daw nila ang sulat na iyon ng megastar. Iyon pala, sila rin ang gumagawa ng sulat ni Sharon. Pero, naging effective sa akin ang gimik ng parents ko kaya lalo akong sinipag sa pagkanta. At lalo akong nag-aspire ng kataas-taasan para maabot siya. She was the ultimate dream for me.”
Naikuwento ito Jed kay Mega nang mag-guest siya sa Sharon noong Linggo. Nalaman ni Jed na paborito rin pala siya nito among the new singers. “I can’t wait to tell my parents in Iloilo kung ano ang sinabi sa akin ni Mega. I’m sure, mas masaya sila kapag nalaman ito.”
Pinagtapat ng Sharon sina Jed at Rap Salazar, ang bagong panalong WCOPA (World Championship of performing Arts). Naalaala tuloy ni Jed ang kanyang kabataan. Noong 2005 kasi siya nakilala nang manalo sa ganoon ding kategorya at talunin ang mahigit 50 representatives sa buong mundo. Naging Hall of Famer at awardee siya sa WCOPA at yearly, iniimbitahan sa nasabing competition.
Hindi namalayan ni Jed na naagaw na pala sa kanya ni Gab Valenciano ang atensiyon ni Rachel Ann Go dahil sa pagiging abalang-abala niya hindi lamang dito sa ating bansa kundi sa abroad din.
“’Yun siguro ang magiging problema ko. Hindi ako nagkakaroon ng time na ma-pursue kung sino man ang matitipuhan ko. I will be unfair to her at tiyak na malulungkot lang siya. In time siguro, darating din ang babaeng pag-aalayan ko ng aking mga awitin, lalo na ang nakapaloob sa bagong album kong The Songs Rediscovered 2, The Ultimate OPM Playlist.
NAKAUSAP DIN NATIN sina Jane Oineza, Xian Lim, Phillip Nolasco, Ping Medina, Hiyasmin Neri at Mark Sayarot.
Nalaman nga pala namin kay Xian ang dahilan kung bakit hindi naipalabas ang Katorse na launching teleserye ni Erich Gonzales, with him and Ejay Falcon as leading men.
“Binagyo po kami sa location. Ilang beses na-delay ang taping namin at sabi mabibitin lang kung itinuloy ang pilot nito as scheduled,” say ni Xian.
May nagsasabi na nagkaroon ito ng problema sa MTRCB dahil sa maselang tema. Sa edad na katorse nga kasi, nabuntis na si Erich ni Ejay. Hindi rin daw maganda ang values na madadampot ng mga televiewers, lalo’t pambagets ang teleserye. May nagsasabi na kulang ang star value nito kung kaya’t idinagdag sa cast si Enchong Dee.
Binabantayan na rin daw ng MTRCB ang role ni Hiyasmin at Alwyn Uytingco dahil sa edad na kinse anyos ng dalagita, nabuntis na rin ito ni Alwyn sa teleseryeng The Wedding.
BULL Chit!
by Chit Ramos