PARA KAY Mario Maurer, sexy ang tingin niya sa Filipina women tulad ni Erich Gonzales na leading lady niya sa Suddenly It’s Magic na dinirek ni Rory Quintos under Star Cinema. Cute, charming, very nice guy at napaka-professional, always on time kung i-discribe naman ng dalaga ang Thai heartthrob.
Ikinuwento ng Thai actor kung gaano siya nag-enjoy while doing the film. Napaka-supportive daw ng buong cast pati production staff at lalung-lalo na raw si Direk Rory na gina-guide siya sa bawat eksena. Mami-miss raw niya ang mga ito pagbalik niya sa Thailand.
Ibinahagi naman ni Joross Gamboa ang first experience niya working with Mario. At first, medyo nakikiramdam daw si Mario sa mga kasamahan niyang artista habang nasa set. Nasa isang sulok lang daw at tahimik na nagme-memorize ng kanyang lines. Kailangan nitong mag-adjust dahil first movie niya ito sa Pilipinas at pawang Filipino actors ang makaka-eksena.
“Ako ‘yung nag-break ng ice, ‘yung Mario’s group at first, tahimik lang. Ako lang ‘yung medyo madaldal. Ako ‘yung bumangka and then after that free flowing ‘yung atmosphere natin, sobrang naging okay lahat. Sobrang naging good vibes lahat.”
Maraming sacrifies si Mario sa pagiging Thai Superstar. Kung minsan nga tuwing lumalabas siya kasama ang mga friends, hindi maiiwasan makita siya ng mga fans. Kailangan entertain niya ang mga ito dahil sikat nga siya. Pati nga personal life niya napag-uusapan pero nauunawaan ng actor ang status niya bilang sikat na artista sa kanilang bansa.
Sabi naman ni Erich sobrang accommodating si Mario sa mga fans niya rito sa atin. Hindi raw ito napapagod magpa-pictures sa mga fans at signing the autograph. Lahat daw ay pinagbibigyan sa ikatutuwa ng kanyang mga tagahanga rito sa ‘Pinas.
NAKA-ONE HUNDRED million pesos at the box-office ang A Secret Affair nina Anne Curtis, Derek Ramsay and Andi Eigenmann in a span of six days. Tuloy, nagkaroon ng victory party ang Viva Films.
Nakausap namin si Direk Nuel Naval na siyang nag-direk ng pelikula. Overwhelming ang pakiramdam niya nang mga sandaling ‘yun. Puring-puri niya si Andi.
“Nagta-transform siya pagdating sa screen. Mararamdaman mo ‘yung character niya sa film, napakagaling na bata. Pero kapag nakita mo in person parang siyang estudyanteng bata. Si Anne, iba naman ang atake niya sa character na pino-portray niya, ang lakas ng dating. Pareho silang magaling dito, wala akong masabi,” papuring sabi ni Direk Nuel.
Sinabi ni Direk Nuel na hindi siya nahirapang i-convince si Andi sa mga sexy scene with Derek. “Hindi naman, kailangan lang ipaliwanag mong mabuti kung bakit kailangan ‘yun sa eksena. Pakikinggan ka naman niya at gagawin ‘yung hinihingi sa bawat scene na gusto mo.”
Pinaliwanag din ni Direk Nuel kung bakit tinanggihan ni KC Concepcion ang role na napunta kay Andi sa nasabing pelikula. “Hindi naman sa ayaw gawin ni KC itong movie. Kaya lang, hindi pa siya handa to do this kind of role na pinortray ni Andi. Pinaliwanag naman niya sa amin kung bakit and we understand. Hindi pa siya kasing daring ni Andi, artista talaga!”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield