BLIND ITEM: HINDI pa rin maka-move on si Gasul. Hayan at inisplitan na naman siya ng dyowa niya. Aba, eh binalikan na nga siya, tapos, ano na naman ang nangyari?
Totoo bang hindi na kinaya ng girl ang sobrang kadaldalan ni Gasul, kaya finally ay nag-decide na itong isplitan uli ito?
Dahil wala na namang lovelife si Gasul, ayan at nambubulahaw na naman ng tahimik nang isyu. Gusto na naman niyang maging kontrobersiyal, kaya ayan nga ang ginagawa niya, nagpapakakontrobersiyal na naman.
Nang-ookray siya ng artista, tapos, ‘pag siya ang nababalita, napipikon siya, kaya ang ending, nagpapaka-scientist na naman sa pag-iimbento ng balita.
‘Yung isang kaibigan nga niya, kausap namin kahapon lang, eh. Ang sabi na lang nito, “Ganyan na talaga ‘yan noon pa, eh. Hindi mo na mababago ang taong ‘yan. Sabi ko nga sa kanya, ‘pag me nakatapat siya, yari siya.”
Saka nakakalokah ‘to. Kung makapanakit ng artista sa telebisyon, gano’n-gano’n na lang. Pero ‘pag siya ang binuweltahan, pikon na pikon. Ginagamit na ang sariling programa sa pang-aaway. Eh, pa’no na lang ang ibang artista na walang sariling talk show, hindi siya mabawian, kawawa naman?
Gamitin ba ang programa para sa pansariling kapakanan?
Juice ko, ano ‘yon, siya lang ang may karapatang mang-okray, tapos, siya, hindi puwedeng okrayin?
Hay, nako… now we know kumba’t siya inisplitan.
NATARANTA PALA SA set ng Maria La del Barrio, dahil biglang parang sinapian daw si Erich Gonzales ng masamang espiritu, dahil parang nagka-seizure daw ito. Nariyang nagkaroon daw ng voluntary movements ang katawan nito, kaya isinugod agad sa ospital.
“One hour pa naman ‘yung layo ng ospital sa set, kaya ang ending, napak-ap na ang taping, dahil kahit si Enchong (Dee), sumugod na rin, eh!”
Porke nangingisay ay ipinalagay na sa set na nakursunadahan ng masamang espiritu, pero ayon sa findings ng doctor, bumaba ang blood sugar ni Erich, kaya nag-manifest ‘yung mga palatandaan nito sa kanyang katawan.
“Kaya pala parang wala sa sarili si Erich, dahil ilang beses siyang nare-retake ni Direk Rory,” kuwento pa sa amin.
Siguro nga, walang masyadong pahinga sa katatrabaho si Erich. Eh, ang alam namin, nag-aaral pa ang bagets, kaya mas makabubuting magpahinga muna ang bata.
Hindi naman namin puwedeng sisihin ang korona kung mahigpit man ang pagkakakapit nito sa ulo niya dahilan para maawat ang sirkulasyon ng dugo sa ulo niya, pero hindi, eh.
Hindi lang namin alam kung diabetic ba itong si Erich?
Malilinawan din tayo sa mga susunod na araw, promise. Ang importante, okay na siya.
JUICE KO, HINDI ko kinaya ang guesting nina Jomari Yllana at Aiko Melendez sa Gandang Gabi, Vice na hindi namin alam kung this Sunday ipalalabas o next Sunday.
Juice ko, kinilig kami sa interbyu ni Vice sa dalawa, lalo na ‘yung me ibinubulong si Vice para ipabanggit nila sa isa’t isa.
Ayaw naman naming i-preempt kung ano ito, pero sobrang nagwa-watir-watir ang mga audience sa mga pagpaparamdam nila sa isa’t isa.
“’Eto, seryoso na, Aiko. Gusto mo pa rin ba akong balikan?”
“Ligawan mo muna ‘ko. Pero ‘wag kang mag-alala, hindi kita pahihirapan.”
Ang sweet ng mga potah habang pinanonood sila ng kanilang anak na si Andrei.
Pero kung kami ang tatanungin, totoo ‘yon. Kung merong babalikan si Aiko, si Jomari ‘yon, dahil ito ang nakauna sa kanya at kahit marami silang pinagdaanan, alam mong mahal pa rin nila ang isa’t isa.
Panoorin n’yo ang episode na ‘to at mae-elya kayo.
Hahahaha!
NU’NG WEDNESDAY ‘yon, ‘di ba? Kinabukasan, isinugod naman ni Aiko ang sarili sa St. Luke’s Medical Center sa QC mula sa kanyang pagpapaalam sa taping ng Reputasyon.
Hindi na kaya ni Aiko ang kanyang mata na kusa nang nakapikit, dahil parang lumaki ang kanyang kuliti, kaya pinayagan naman siya ng executive producer ng teleserye na makaalis siya agad, dahil para siyang sinuntok ng boksingero sa mata niyang nakapikit na.
Oh My G!
by Ogie Diaz