AGAD NA idine-nay sa amin ni Erik Santos ang lumabas na balitang nanliligaw raw siya sa sexy actress na si Kristel Moreno. Lumabas kasi ang balitang nakita raw ang singer na sinundo sa isang event si Kristel, kung saan ito nag-guest.
Hindi man ito diretsahang kinumpirma sa amin ni Erik, inamin naman nito na totoong lumalabas sila ng aktres dahil isa ito sa pinakamalapit niyang kaibigan sa showbizness at naging kaibigan na rin ng kanilang pamilya. Nagsimula ang pagkakaibigan nila nang magkapareha sina Kristel at Erik sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.
Nang tanungin namin kung may tsanta ba na manligaw siya sa aktres, sinagot naman kami agad ni Erik na single siya at single naman si Kristel, kung kaya’t bukas siya sa anumang posibilidad, lalo’t magkaibigan silang dalawa. Sa pagkakalam lang namin, may non-showbiz boyfriend si Kristel na isang mayamang businessman, hindi lang namin alam kung alam ito ni Erik.
Iseselebra rin ang 9 na taon niya sa showbizness kung saan isang malaking selebrasyon ang pinaghahandaan ni Erik para ihandog sa kanyang mga tagahanga.
SA NAKARAANG music video shoot ng Kimmy Dora, The Temple of Kiyeme, nakausap namin ang bida rito na si Eugene Domingo at agad ay tinanong namin ang mahusay na aktres kung gaano katotoo ang balita na kaya special participation lang sa sequel ng Kimmy Dora ang kaparehang si Dingdong Dantes ay dahil ‘di raw ito pinayagan ng GMA, kung saan may exclusive contract ang akor.
Ayon kay Uge, ‘di niya alam kung may katotohanan ang nasabing balita. Ang alam lang niya, tuwing may shooting ay dumara-ting naman ang aktor sa set. Aware din ang komedyana na may isa pang pelikula na nakalinyang gawin ang kapareha sa Star Cinema at bukas si Dong sa mga bagong proyekto, kaya’t ‘di siya naniniwala na bawal, gaya ng nabalita.
Ipinaliwang din sa amin ni Uge na nakapokus kasi ang istorya ngayon sa pamilya Go Dong Hae, sa mga bagong lihim na mabubuksan. Pero ‘di siyempre mawawala sa istorya sina Dingdong at Zanjoe dahil tiyak na ha-hanap-hanapin ng mga manonood and dalawa niyang leading men.
Excited pero nandu’n ang pressure sa sequel ng Kimmy Dora, dahil naging blockbuster ang part 1 nito, at nagpatunay na kayang magdala ng sariling pelikula si Eugene, ang siniguro sa amin ng komed-yana ay mas pinaganda ang istorya, mas ginastusan talaga ang pelikula, kung saan kinunan pa ang maraming eksena sa Seoul, Korea.
‘Di rin makapaniwala na magkakaroon din ng sequel dahil tatlong taon na ang nakalilipas nang mapanood ang unang part ng Kimmy Dora, ang sequel ay para sa mga manonood lalo na sa mga bata at sa mga kababayan natin sa abroad na laging nagtatanong kay Uge at nag-aabang kung kailan ba magkakaroon ng sequel ang pinagbidahang pelikula.
Ang Kimmy Dora ay produced ng Springfilms sa ilalim ng direksyon ni Bb. Joyce Bernal at mapapanood sa mga sinehan sa darating na June 13.
Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA