SUPER SUCCESSFUL ANG album launching ni Erik Santos entitled “Erik Santos: The Jim Brickman Songbook” under Star Records sa Eastwood Open Park. Inawit ng Prince of Pop ang mga awiting pinasikat ng kanyang idolong si Jim. Siyempre, kinanta rin niya ang winning piece na “This is the Moment” na lalong ikinatuwa ng mga fans.
Ikinuwento ni Erik na naging fan siya ni Jim noong time na nasa high school palang siya. Nakatatak sa isipan niya ang mga hit songs ng world -class singer/composer at nag-produced ng kanyang 10 –track album which include revivals and an original composition written by Jim Brickman.
Happy ngayon si Erik dahil natupad ang kanyang pangarap na makatrabaho si Jim at sa mismong studio pa nito sa Los Angeles sila nag-recordng. “I’m very grateful na binigyan ako ng pagkakataon ng ABS-CBN and Star Records na mag-record album with Jim Brickman kaya sobrang happy ako.
“Sobrang bait ni Jim, I had a great time working with him kasi, ‘yung knowledge niya sa music talagang napakalawak. Ang dami mong matututunan like how you deliver it, kung papaano mo siya kakantahin in such a way na heart-felt ‘yung dating ng song sa audience mo. Pinag-aralan ko siyang mabuti kahit kabisado ko na ‘yung kanta, kailangang maramdaman mo ‘yung lyrics ng songs. Ten days akong nasa States doing the album pati na rin ‘yung MTV,” pagmamalaking sabi niya.
Kahit hindi aminin nang diretso ni Erik ramdam naming may special someone ang binata na naka-base sa US. As much as possible ayaw na niyang mag-comment tungkol dito dahil hindi pa naman daw seryoso ang kanilang relationship. “We’re still communicating, okey naman kami. Wala naman big deal, wala namang commitment, basta steady lang. Once in awhile nagkakausap kami kapag may chance but not naman everyday. Still, maganda ‘yung friendship namin but as of now, hindi natin alam kung saan papunta. It’s too early to tell,“ aniya.
Kung narating man ni Erick ang tagumpay na kanyang pinapangarap dahil ‘yun sa naging inspirasyon niya ang kanyang pamilya. “Happy pa rin ako dahil matatapos na rin akong mag-aral sa wakas so, ‘yun ang focus ko sa ngayon.”
Ang kantang Your Song ni Jim ang pinaka-favorite song ni Erick sa album dahil ito yata ang team song nila ng nasa US. “Sobrang special sa akin ‘yung song, mga songs ni Jim pulos love songs na very meaningful ang lyrics. Lumaki kasi ako singing pulos love songs, kungbaga, ito ‘yung forte ko.”
Sinabi ni Erik na gusto niyang makapareha si Sarah Geronimo kung sakaling mag-aartista siya. Relaxed na kasi sila sa isa’t isa, hindi na rin mabilang ang concert shows abroad ang pinagsamahan nilang dalawa. “Pero right now, naka-concentrate ako sa album at saka sa mga concert. Hopefully, magkakaroon kami ng concert ni Jim Brickman dito sa Manila at magtu-tour kami sa US and Canada this October, birthday concert. This coming August 7, the album will be released in Indonesia, Malaysia, Taiwan, Singapore, Hongkong and Japan,” pahayag niya.
A song for Sarah? “Puwede bang “Destiny?” Maganda kasi ‘yung lyrics ng kanta, the song itself maganda,” simpleng sagot ni Erik Santos.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield