DREAM COME TRUE para kay Erik Santos na makatrabaho niya si Jim Brickman, favorite singer kasi niya ito. Hindi akalain ng binatang kakantahin niya ang mga pinasikat na awitin ng international singer. Three weeks siyang mamamalagi sa US para sa recording ng kanyang latest album with Jim under Star Records.
Ilang years nga ba ang contract niya sa Star Records? “One year. Since I started nang manalo ako sa Star In A Million, I’ve been with Star Records. Dito sa latest album na gagawin ko with them, 10 tracks plus interlude ni Jim. So, it’s gonna be 20-track album.”
Balitang may offer ka raw sa ibang recording company, how true? “I’ll be honest, mayroon talagang mga major recording label na nag-offer ng magandang konsepto ng album. Personally, I chose to stay with Star Records, kasi roon na ako nagsimula at napi-feel ko, Kapamilya talaga ang turing nila sa akin. In the past 5 years ,they take care of me sa mga album ko. Walang reason para lumipat ako sa ibang recording company.”
Anong concept ng album na gagawin ninyo ni Jim Brickman? “Actually may concept na kami. It will be a special album for me, kasi it’s my first time to record in the US para po sa album, mga later part of April or first week of May. Mismong sa studio ni Mr. Jim Brickman kami magre-record, and also ‘yung music video and pictorial will be done in the US. Blessing talaga itong opportunity na dumating sa akin kaya sobra akong nagpapasalamat.”
May duet ba naman silang dalawa ni Jim? “Actually, I’II be having a collaboration with Mr. Jim Brickman. Special siya sa akin, kasi fan ako ng mga songs ni Jim Brickman. Hindi ko naisip na kakantahin ko pala ‘yung mga kanta niya in the fututre. Now, I’m gonna do Brickman songs sa isang buong album. It’s gonna be exciting talaga.
“’Yung iba kasi remake, revival, like ‘yung Valentine, Your Love, The Gift and Love of My Life. The rest, all original, composed by Jim Brickman.”
Your favorite song of Jim Brickman? “Actually, lahat ng song ni Jim Brickman. ‘Yung Your Love, ‘yun talaga ang pinaka-paborito ko sa lahat.”
Sino ang nasa isip ni Erik sa song na Your Love? Kasi, ‘yung Your Love, ‘yun ang theme song ko sa first girlfriend ko. Sobra siyang memorable sa akin. Pero may asawa na ‘yun, kaya huwag na lang nating bigyan ng kulay. Sa ngayon, hindi ko na siya naaalala kapag pinatutugtog ko ‘yun.”
Balitang may nililigawan ngayon si Erik? “Paputol-putol naman. Hindi naman nililigawan, parang ano lang. We met in the US, usap-usap lang. Pero ngayon, nagko-communicate kami once in awhile. Sa US siya naka-base. Sabi niya, sa day raw ng graduation ko, uuwi siya kahit one week lang.”
Ready na ba si Erik sa isang serious relationship? “Ngayon, I can say ready na pero kailangan ko munang tapusin ‘yung pag-aaral ko. Baka mamaya sabihin kong ready na ako, mauwi na sa kasalan. Hindi pa ako ready roon! She’s planning to visit me during recording session kung ilang days na nandoon ako sa US.”
Siya na nga kaya ang inspirasyon ni Erik? “Siyempre, ang una kong inspirasyon ‘yung pamilya ko talaga, at saka ‘yung mga mahal ko sa buhay.”
Plans for this coming Holy Week? I’ll be spending Holy Week with my family, we might be going to Hongkong.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield