ISANG KILALANG artista noong dekada ‘80. Siya si Ernie Garcia o si Ernesto Garcia sa totoong buhay. Ipinanganak siya sa Caloocan City mula sa mga magulang na sina Artemio Garcia at Maria Sta. Maria. Mula sa isang painting exhibit, napag-alaman ko na bukod sa pagiging artista ay isa rin siyang singer at painter. Narito ang aking panayam sa kanya.
Ernie, anong tema ng painting mo? Anong tawag dito?
“Noong 2007, nag-exhibit ako ng women in fiberglass.”
Ah, ganu’n! May sarili kang estilo. Tuloy mo lang ito. Saka alam mo, minsan ‘yung artist, kung sino siya, ‘yung works niya, lalabas din kung sino siya, ikaw rin kasi ‘yun, eh. Pati ‘yung mukha, ‘yang kulay. Ituluy-tuloy mo lang ‘yan, Ernie. ‘Di naman dapat ‘yung gayang-gaya, practice lang iyon. Pero ang importante ay iyong development mo bilang ikaw at magkaroon ka ng identity.
“Ikaw, ano ang estilo mo?”
Ako, I’m an impressionist.
“Ah, iyan ang hindi ko pa yata kaya. Hahaha! (tawang sobrang humble lang). Parang ang impressionist eh, ‘yung dini-distort mo ba ang image?”
Ah, oo. Parang dati, ako ang tinatawag na Van Gogh, pero ang totoo, ang nakikilala ay si Van Gogh at hindi ako. Iyong Van Gogh pala Van-gutom!
“Ah, that’s correct!”
Nakasuot ako ng ganito tapos may isa akong brush. So, binago ko ang image ko. Pero mabenta ako noon kaso natakpan iyong pangalan ko. Kaya unti-unti kong binago. Pinag-aralan ko si Gaugin, si Picasso, at si Van Gogh at pinaghalo-halo ko. Iyon na iyong kinalabasan. Itong estilo mo… foreign, eh. Naghahalo itong estilo mo kina Matisse.
“Ako iyong mga ginagawa kong mga babae, para siyang nagkakaroon ng European touch, parang nagiging Spanish.”
Ah, kasi mestizo ka, eh.
“Kahit gawin ko siyang medyo local, lumalabas ‘yung pagiging European.”
Because that is your blood. Iyon iyong ilalabas mo lang eh, your color, your style, your composition, ikaw rin ‘yan, eh.
“Meron akong painting na dancers, ang title ko naman ay “Modern Maria Claras”, parang may raffles tapos parang butterfly, nagsasayaw sila. Pero when I look at them closely eh, parang mga mestiza sila, eh. Eh, gusto kong makita, eh ‘yung parang Pilipina. Eh, hindi naiiwasan na may foreign touch. Eh, ‘yung lumalabas ganu’n, eh!”
Ako man din, ang lumalabas parang Spanish, parang Mexican, makulay ako, eh. Minsan bibigyan lang kita ng kaunting tip, kasi nagtuturo ako ng arts. Ang importante ay ikaw ‘yan, walang panget.
“Eh, ganu’n naman eversince I started, ang sabi ko, ‘akin ‘to, eh. So what?”
Oh, ‘di ba? Kahit i-distort mo ‘yan eh, ikaw ‘yan eh. ‘Yung kulay mo, ‘yung kaluluwa mo. Basta importante, ikaw ‘yan.
“Ah, itong isang painting ko parang may isa akong aquarium na hindi ko na mine-maintain. Ang nangyari, apat ‘yung nagkagusto, eh. Inilabas ko nga sa bodega ko iyan.”
Ang isang artist kasi ‘pag sinabing artist, hindi lang painter ‘yan, ang totoo ang likot ng isip niyan. Ikaw sa tingin ko, malikot ang isip mo, eh.
“Oo. Parang ‘yung mga ginagawa kong glass o fiberglass, meron akong ‘flowers on fiberglass’.”
Kumusta pala ngayon, ano ang mga pinagkakaabalahan mo bukod dito? Are you directing now?
“No. I’m doing stage musical. Kasi I am preparing for my own concert, eh. Ah, fundraising concert for children cancer patients, eh. Kaya bukas me rehearsal na naman ako.”
Ah, bukod kasi sa artista ka, singer ka pa, painter ka pa.
“Now, I do commission works like for a friend from Abu Dhabi na gusto niyang mag-post ako ng picture ni Cory Aquino na nagpe-paint, sabi ko nagpe-painting din ako and they looked at my album, kaya ayun nagustuhan nila.”
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Email: [email protected] cel.no. 09301457621.
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia