Sinampahan ng kasong physical injuries ang Kapuso actor na si Ervic Vijandre, 29, matapos itong maaresto at ireklamo ng pambubugbog ng isang Genesis Aniag, 26 noong Biyernes ng gabi, February 26, sa Pasay City.
Ayon sa ulat ng “Balitanghali” ng GMA NewsTV kahapon, February 27, naganap ang insidente sa Salem Complex, isang restuarant complex sa Pasay, bandang alas-10 ng gabi.
Sa ulat, nilapitan umano ni Ervic si Genesis at tinanong kung siya si Gen Aniag. Nang kumpirmahin ng biktima na siya ang ang tinukoy na tao ni Ervic, agad umano siyang inupakan ni Ervic.
Inawat naman ng mga security guard sa lugar sina Ervic at genesis at agad na inaresto ang aktor na dinala sa kalapit na presinto.
Nakatakda naman magsagawa ng imbestigasyon ang Pasay Police Station, kaugnay ng pangyayari.
Kaugnay nito, naglabas ng maikling pahayag ang GMA Artist Center na siyang namamahala sa career ng aktor: “Last night, Ervic Vijandre was involved in a minor altercation with a non-showbiz personality because of personal reasons. His lawyer is now handling the case.”
By Parazzi Boy