BIHIRANG MAGPA-INTERVIEW si Erwan Heussaff lalo na sa mga TV crew na naglalambing sa kanya kahit ng maiksing panayam. Hindi man showbiz ang guwapong bachelor, pero turing ng iba ay nasa showbiz na rin siya dahil sa kapatid niyang si Solenn Heussaff at girlfriend na si Anne Curtis.
Noong Linggo, October 7, 2012, sa Rudy Project Challenge Triathlon sa may Republic Wakepark sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna ay nakapanayam namin si Erwan after niyang sumabak sa nasabing sport event.
Hindi na pala baguhan si Erwan pagdating sa mga ganitong klaseng atlethic competition. Aniya, “Yes, I’m doing it for a year now.” Dugtong pa niya, “Yeah, I think I did okay today.” Isa rin daw ito sa mga paraan niya para maging fit.
Sa ngayon, busy rin daw siya sa kanyang regular job. Kuwento pa niya sa amin, “I have an office job. I work for… I’m a supply chain manager and business development manager sa isang company.”
Mga tatlong linggo na ang nakaraan ay inilunsad si Erwan bilng ambassador para sa isang food campaign sa Makati na suportado ng dalawang malaking kumpanya. Pero ‘raket’ lang daw ito para sa binata. Aniya, “That’s a side project for fun lang. Food and drink campaign.”
Mahilig ba talaga siyang magluto at kumain? Tugon niya, “Yeah, yeah… I do it. It’s always been a passion. I guess it’s for fun. I have a job, a day job. That keeps me busy.”
Kung gaano ka-visible sa television interview ang kanyang kapatid na si Solenn at girlfriend na si Anne ay sobrang mailap naman ito kapag on-camera interview. Paliwanag niya, “Because it’s not me. It’s not my job, no. I don’t have time to go to shows or anything. I have a work every day.”
Pero masaya naman daw siya at proud sa natamong kasikatan ng kanyang kapatid. Papuri pa niya, “Good. Good. I’m proud of her, and she’s talented, in everything she does, in showbiz, modeling and in her singing career.”
Pagdating naman sa kanyang sweetheart na si Anne, all praises lang si Erwan dito. Pagmamalaki pa niya, “Good. I’m proud of her also, she’s been doing good in her work and I’ll support her all the way.”
ISA NA siguro sa pinaka-indemand na young actor sa ngayon ay si Edgar Allan Guzman. Kabi-kabila ang trabago ngayon ng dating Mr. Pogi at nga-yon nga ay pinatunayan na niya sa kanyang sarili na hindi lang siya guwapo kundi may talent din sa pag-arte, pagsayaw at pagkanta.
Nitong nakaraang Famas Awards, isa si Edgar sa ginawaran ng German Moreno Youth Achievement Awards at ipinagpasalamat ito nang malaki ni Edgar sa Master Showman sa pagkasama sa kanya sa iba pang ginawaran ng parangal na sina Daniel Padilla, Derrick Monasterio, Enrique Gil, Jessy Mendiola, Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin. Pangako ni Edgar, “Isa ako sa mga napili ni Kuya Germs and thankful ako sa kanya at kahit papa’no ay napansin niya ako, and nakita niya na puwede akong magandang ehemplo sa mga kabataan na nagangarap. Para sa akin, huwag ka-yong mag-alala, Kuya Germs, at pagbubutihan ko pa po.”
Busy ngayon si Edgar sa shooting ng pelikulang Mga Kuwento ni Lola Basyang. Isa siya sa mga bida sa twinbill na ito mula sa Unitel Pictures at Studio5. Ang isa pang episode ng pelikula ay pagbibidahan naman ni Alex Gonzaga.
Marami ang bumatikos noon nang nagkaroon ng tampuhan sina Edgar at ang kanyang manager na si Noel Ferrer dahil sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang mga proyekto at sa kanyang lovelife. May mga nagsasabi ring mas inuna pa daw ni Edgar noon ang kanyang lovelife kaysa sa mga proyektong dapat ay pagtuunan niya ng pansin. Kasintahan pa noon ni Edgar si Johlan Veluz, na miyembro ng Sexbomb Dancers.
Muli naming inusisa si Edgar tungkol sa kanyang lovelife. Pero umiiwas ito noong una. Pabiro niyang sagot, “Siguro para sa akin huwag na nating pag-usapan ‘yun. Ganda ng career ko eh, bongga. So ang latest kay Edgar ay trabaho, trabaho, trabaho.”
Pero nang tanungin namin si Edgar kung ano nga ba ang matimbang para sa kanya ngayon, walang kagatul-gatol nitong sinabi na career na muna at isinantabi na muna niya ang lovelife.
Kailan kaya dumating sa isipan niya na mag-focus muna sa magandang takbo nang kanyang karera. Paliwanag niya, “Ahm, nu’ng marami nang magagandang nangyari sa akin and pina-realize sa akin ng Diyos na parang dito ka mag-focus, dito ka magtatagumpay. So, para sa akin habang dumadami eh, nandiyan ‘yung opportunity na maipakita ko ‘yung mga talent ko sa mga tao. Ayun po, na realize ko na kailangan kong mag-focus dito, kasi alam ko may magandang resulta. Parang ito ‘yung mga dahilan kung bakit ako tinatapik ng Diyos.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato