KAPAG SINABING TULFO, ang pumapasok kaagad sa isip ng tao… fearless, palaban, sumbungan at tagapagtanggol ng mga naaagrabyado. Gano’n ang naging tatak ng batikang broadcast journalist na si Erwin Tulfo at pati na rin ng mga kapatid niyang sina Ben at Raffy na co-hosts niya sa public service program sa Kapatid Network na T3.
“Siguro ‘yong pagiging matapang in a sense na sa mga mali at mga luko-luko, because we were brought up like that by our parents,” sabi ni Erwin nang makakuwentuha naming kamakailan. “Na ang mali, mali… ang tama, tama. Matapang lang kapag mali ka. Na minumura namin, gano’n. Kasi iyon lang minsan ang lengguwahe na naiintindihan ng mga luko-luko.
“Lagi nga kaming nabibigyan ng memo dahil dito!” natawang pag-amin ni Erwin. “Marami. Sa legal (department ng TV5) minsan sumasakit na ang ulo ng legal namin. Kami lang ang nakakagawa no’n. Pero after work iba na, e. At the end of the day parang we change ‘yong image in front of our family, our loved ones, even with our friends.”
Hindi lang daw alam ng marami pero sa likod ng camera, he is a very loving and caring family man sa kanyang asawa at mga anak.
“Kasi parang as you grow old kasi, you mature, e. I mean when you are younger, marami kang mga fling when you are single. But when you do settle down, kasi napanonood ka ng anak mo… lalo ‘yong panganay ko, she’s ten years old. Nakababasa na siya. Sasabihin niya… dad’s what is this? Ano na namang intriga ito? ‘Yon. You tend to behave when you grow old. I have two kids. Five years old ang pangalawa. Both of them are girls. Sinasabi nga sa akin… pambayad daw sa utang!” natawang biro pa ni Erwin. “E sabi ko… wala naman akong utang.”
Wala na ba silang plano ng misis niyang si Karen Padilla na madagdagan ang dalawang anak nila at magbakasakali na baka baby boy ang maging kasunod? “No. That’s it. I’m getting older. Parang… tama na ‘yon.”
Dahil sa nalinyahang forte ng trabaho, hindi na nga raw bago sa kanilang mga magkakapatid na Tulfo ang makatanggap ng death threats. At nasanay na nga raw siya rito.
“‘Yong number ng personal phone ko, I have to change it every six months. Kasi laging…. Noong una, two years ago nagpa-personalized pa ako na… I have to pay something like twelve thousand pesos. After six months I have to pay another twelve thousand pesos kasi nga… I just don’t know kung bakit nakukuha ‘yong number ko. Do’n lumalabas ‘yong mga death threats. I got used to it, e. I got used to it.”
May mga pagkakataon ba na nag-aalala rin siya para sa kaligtasan ng kanyang dalawang anak?
“May security naman ‘yong mga anak ko. Hanggang sa school, nababantayan naman ang kanilang seguridad. Same school nga sila ng mga anak nina Ruffa Gutierrez at saka ni Richard Gomez sa Everest Academy sa Global. It’s an international Catholic school. May mga pagkakataon na nagpupunta ako sa school nila. Nag-a-attend ako ng PTA meeting at kung ano pang events doon. Actually, magkaklase nga ‘yong anak ko at saka anak ni Sir Chief (Richard Yap). Magkaibigan kami. One time, I think two months ago may activity sa school… magka-teammate kami ni Sir Chief.He’s very soft spoken. Nahihiya nga ako dahil parang… nahihiya o natatakot ‘yong mga school staff doon pati mga janitor at guwardiya, sa akin nagpapa-picture. Hinatak ko si Sir Chief. Sabi ko… pa-picture tayo. Sumama naman. Baka na-intimidate lang sila. But he is very soft spoken. Very nice guy,” paglalarawan pa ni Erwin kay Sir Chief.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan