MATAPANG SA harap ng camera para magbigay ng kanyang opinion at pagbatikos sa mga tiwaling tao si Erwin Tulfo pero sa tunay na buhay ay isang maginoo at magalang na journalist pala ito.
Ayon kay Erwin nang makausap namin sa Max resto kamakalawa na may pagbabago nga nangyari sa News Departnment ng TV5.
Starting this week, makakasama na niya sa Aksyon Balita ng alas-sais ng gabi si Luchi Cruz-Valdez, ang big boss nila sa News Dapartment.
Aminado si Erwin, mas bentahe sa kanila na mas maaga ng 30 minutes sa pagbibigay ng balita sa katapat na GMA 7 at ABS-CBN.
“Alam ko naman na mahirap banggain ang katapat namin sa pagbibigay ng balita kaya hangga’t maaari ay nire-request namin na mas mauna sa katapat at hindi makasabay para nauna na kami sa pagbibigay ng mga balita.
“Maganda naman ang naging outcome. Pero minsan dahil sa basketball telecast ay nauurong ang timeslot namin kaya ‘yung rating ay medyo bumababa.
“Ngayon, masasabi ko na mas mataas ang rating at marami na rin kaming commercial kumpara noong nagsisimula pa lang kami,”say ni Erwin.
Take note, may kinatatakutan din pala silang Tulfo brothers. Una ang Diyos at pangalawa ay kanilang nanay na kapag sinita at sinabihan sila ay nasusunod dahil panakot sa kanila ng kanilang nanay ay may karma.
Isang army ang kanilang ama at nakatikim din sila ng palo para matuto at tumino sa paglaki. Kapag may nagawa nga raw silang pagkakamali, bukod sa palo ay may kasama pa itong parusa.
Ang parusa raw ay magpapalit sila ng damit ng kapatid na babae at sabay na palalabasin sa bahay hanggang sa dumating ang kanilang ama sa trabaho.
Pangarap ni Erwin na ma-interview si President Barrack Obama.
When ask about Paolo Bediones na biglang nawala sa news department. Aniya, “I think nag-file siya ng leave, pero nandiyan pa rin at patuloy ang kanyang show na Rescue.”
Suportado naman daw nilang mga kasamahan sa news department si Paolo at inuunawa.
“Bata pa si Paolo nang mangyari ‘yung…. Lahat naman tayo dumadaan sa isang bagay nu’ng bata pa tayo, ‘di ba? Kapag nalampasan mo na ang kabataan at naisip mo na nagawa mo ‘yun ay hindi ka makapaniwala,” say pa ni Erwin.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo