Escudero vs. Pangilinan at Antipolo mayor, ama ng jueteng

TUNAY NA ANAK ng Antipolo itong si Mayor Danilo Leyble.

‘Yan ang ating napag-alaman mula sa isang konsehal ng mismong lugar.

Kaya nga inaasahan umano nila na hindi pahihintulutan ni Mayor na ma-Leyble ang operasyon ng iligal na sugal sa Antipolo City.

Dahil kung hindi raw kayang wakasan ni Mayor Leyble ang pakikipagkaibigan sa mga Jueteng lord na sina Ben Polo at Mike Rosales, baka isang araw ay magumon na rin sa Jueteng maging ang mga kabataan sa Antipolo City.

Nagkalat nga naman kasi, parekoy, sa buong Antipolo ang Jueteng nina Ben Polo at Mike Rosales… kaya nga sila ngayon ang tinagurian doon na mga Anak ng Jueteng!

At kung ang Antipolo ay mataguriang “Jueteng City,” ano ang itatawag nila sa ama ng Antipolo?

Hindi kaya… Ama ng Jueteng?

Hak, hak, hak…. Ang sagwa!

Kung ako kay Mayor Danilo Leyble, iparatsada ko na ‘yang mga anak ng Jueteng na sina Ben Polo at Mike Rosales!!!

IRINGAN AT PORMAHAN para sa dara-ting na 2016 Vice Presidential race ang nasisilip ng ating “tawiwit” na siya umanong tunay na dahilan kung bakit hindi magkasundo ang dalawang senador para i-repeal ang kontrobersiyal na “Juvenile Welfare Act”.

Tinatantya kasi na magkakabangga sa pagka-bise presidente sa 2016 sina Sen. Chiz Escudero at Sen. Kiko Pangilinan.

Sa totoo lang, parekoy, wala naman talaga tayong itulak-kabigin sa dalawang ito. Pero sana, mag-give way na si Senador Kiko para ma-repeal itong iniakda niyang batas na Juvenile Welfare Act.

Sa halip kasi na makatulong upang tumino ang ating kabataan, lalo pa silang nasasadlak ngayon sa paggawa ng labag sa batas.

Dahil naka-kintal sa kanilang isipan na hindi sila maaaring makulong kahit anong paglabag nila sa batas!

In fairness, maganda ang layunin ni Senador Kiko sa batas na ito.

Ang siste, dahil maliban sa ang ating mga menor de edad ang ginagamit ng ilang sindikato, eh, maaga silang naimulat na maaari silang gumawa ng anumang kabalbalan… tutal hindi naman sila makukulong!

Kung talagang mahal ni Senador Kiko ang ating kabataan, dapat lang na sabayan na niya si Senador Escudero na i-repeal ang batas na ito.

Upang habang mga bata pa ay maturuan na ang ating mga menor de edad na may mga batas na dapat nilang igalang!

MAKINIG SA AKING programang “ALARMA Kinse Trenta”, Lunes-Biyernes, 6-7 am, sa DZME 1530 kHz, at may “live stream” sa www.dzme1530.com. E-mail: [email protected]; call or text 09321688734. 

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleSino ang puwedeng pagsumbungan?
Next articleAlitaptap sa takip-silim

No posts to display