Escudero vs. Pangilinan sa “pautakan” challenge Gapangan sa senado, umaarangkada na para sa maagang pagpapatalsik kay Merci

PAREKOY, TILA NAHAWA na sa Kamara de Representantes ang mga mambabatas sa Senado.

Ito ay nang mapaulat na umaarangkada na ang “gapangan” at ligawan sa mga kapwa-Senador upang maamyendahan ang Rules of Impeachment na naglalayon na maagang mapatalsik si Ombudsman Merceditas Gu-tierrez.

Kasunod ito ng pagkumpirma ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Teofisto Guingona III na kumikilos na si Senador Kiko Pa-ngilinan upang ligawan ang kapwa mambabatas na paboran ang pagbabago sa Rules of Impeachment.

Alinsunod sa plano, dapat bigyang-daan ang pagbabago upang masimulan na ang paglilitis kay Gutierrez na kinontra naman ni Senador Chiz Escudero.

Paliwanag ni Escudero, kung pagdedebatehan pa nila ang pag-amyenda, posibleng tumagal ang pagsalang kay Gutierrez at dapat ding ikonsidera na anim ang Articles of Impeachment.

May tama si Escudero dahil kung magtatagal pa ang balitaktakan, posibleng tapos na ang termino ni Merci sa November 2012 ay wala pa silang desisyon.

REPUTASYON NI CALOOCAN CITY VICE-MAYOR EGAY ERICE, “UMAASIM”

Parekoy, kasabihan na  walang permanente sa mundo kundi ang interes lamang.  At apli-kable ito sa samahan nina Caloocan City Mayor Recom Echiverri, Vice-Mayor Egay Erice at ng mga mamamayan mismo ng lungsod.

Bakit ‘ka n’yo? Ito ay dahil “irrepairable” na ang samahan nina Echiverri at Erice. Sayang… magka-rhyme pa naman ang kanilang mga surnames!

Nag-ugat  ang lahat sa kakaibang asal ngayon ni Egay sa munisipyo na hayagang pagsalungat sa kanyang mga kasamahan lalo na sa “Ama” ng lungsod.

Ayon sa aking spy, parekoy, mistulang “pain in the ass” na sa kanyang kasamahan sa munisipyo si Egay dahil sa mga pagsalungat nito sa mga opinion, panukala at mga hakbang sa konseho.

At ang pinakamabigat, mga parekoy, tila sinasabotahe ni Egay ang mga pagpupulong dahil kung hindi ito laging absent, laging walk-out ang drama ng bise-alkalde. Ang resulta… ang mga trabaho sa munisipyo na dapat sana ay mapakikinabangan na ng mga Caloocan residents… nababalam!!!!

Mantakin n’yo, mga parekoy, dahil sa pagi-ging primadonna ni Egay, maraming oras ang naaaksaya, gayundin ang pera na pambayad sa kuryente at siyempre, parekoy, sa bawat pulong nila, may mga bottled water na inihahanda para hindi matuyuan ng laway sa debate. Pero nauuwi nga sa wala dahil isa nang “Walk-Out King” si Egay!!!

Mr. Vice-Mayor, parekoy… payo ko lang sa iyo… medyo magtrabaho ka muna para pagsilbihan ang mga bumoto sa iyo.  ‘Pag kasi ipinagpatuloy mo ang pagmama-asim mo, BAKA ANG AMBISYON SA SUSUNOD NA ELEKSIYON, MAUDLOT PA!

Remember, parekoy, matalino na ngayon ang botante. Mas naaalala nila ang amoy na “asim” kaysa “bango”!!!

Ugaliing makinig sa aking programang ALARMA Kinse Trenta sa DZME 1530 Ang Radyo Uno, dulong kanan sa inyong tala-pihitan, tuwing Lunes-Biyernes, 6-7 am. Live streaming: www.dzme1530.com. E-mail: [email protected]; text/call: 09152121303.

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleUnited States: paraiso? ‘yan ang akala mo!
Next articleDirected by, halos himatayin sa laki ng nota ng bagets actor!

No posts to display