BLIND ITEM: NAGSI-MULA bilang child star ang isang mahusay na dramatic actress, kaya’t nakapagtatakang hindi niya kayang sakyan ang kakulitan ng isang child wonder na nakasama niya sa isang TV project kamakailan.
Halaw ang eksenang ito nang interbyuhin ng press ang aktres, kung saan nasa di-kalayuan ang bibang child prodigy. May kung anong talento bilang pagpapakitang-gilas ang ginagawa ng bagets, na siyempre’y ikinaaliw naman ng mga nakapaligid na reporter.
“Sandali lang, nadi-distract lang ako,” pag-e-excuse ng aktres sa press, apparently affected, if not incensed by the child wonder’s scene-stealing moments. Tumayo ito, lumapit sa bagets, saka sinita niya ito: “Alam mo ba ang salitang ‘respeto,’ ha?”
Kaswal lang siyang pinagmasdan ng bagets, sabay tanong: “Ano po ‘yung ‘respeto’?”
Obviously, malalim na para sa bata ang salitang ‘yon, saka ginawang muli ang kanyang makaagaw-eksena niyang moments na lalong ikinairita ng aktres.
Da who ang bagets at ang aktres sa kuwentong ito? Isyogo na lang natin sila sa neymsung na Wilhel-mina Jarlego at Beatrice Corleto!
BAGAMA’T HINDI NA kakasuhan ng may-ari ng isang condominium building si Ethel Booba for allegedly setting her unit on fire recently, hindi ligtas ang komedyante sa kasong arson bilang anggulong tinitingnan ngayon ng pulisya.
At bagama’t tumangging magbigay ng pahayag si Ethel when brought to the police station, ang mismong graffiti na nakasulat sa dingding ng kanyang unit ay maliwanag nang motibo para gawin ang umano’y panununog. Lovelife-related ang positibong itinuturong dahilan ng isa na namang katsipang kuwento tungkol kay Ethel.
Would this girl please think of something positive this time to be in the news?
Juice ko, wala na yatang nabalitaan ang publiko tungkol kay Ethel kundi katsipan, both big and small! Kung hindi man siya ang nasa eskandalo, mga dyowa naman niyang pasaway!
In recent memory, pag-ibig din ang dahilan ng pagwawala ng noo’y karelasyon niyang si Alex Crisano sa tinutuluyang condo rin ni Ethel. In a fit of anger, sinipa ni Alex ang elevator ng naturang building, dahilan para mawasak ang pinto nito at hindi naging operational for a month… dusa ang ibang mga te-nants ng condo!
Sa recent incident involving Ethel, heto’t she has hogged the headlines once again. Hindi na ito tsismis na kailangang kumpirmahin o itanggi, as literally “where there’s smoke, there’s fire”!
God save Ethel’s soul from the burning hell.
NITONG SABADO, MARCH 12 ay nagsimula na ang four-week special ng Batibot on TV5 kung saan iba’t ibang highlights ng programa ang mapapanood.
No doubt, the classic children’s show, which returned to TV on November 27, 2010, has consistently dominated the 8:30-9 am block every Saturday.
Naging bahagi ng buhay ng mga batang Pinoy ang Batibot bilang tugon ng Philippine Children’s Television Foundation (PCTVF) for a need to come up with a local educational program as an effective tool for teaching for the kids.
Base sa datos ng Nielsen Media Research, muling nanguna ang Batibot nu’ng Sabado (Marso 5) sa Mega Manila na nagtala ng 30.4% audience share kumpara sa mga katapat nito.
Sa nakalipas na 15 linggong pag-ere nito sa TV, ang all-new Batibot din ang mas piniling panoorin ng mga bata na may edad 2-12 taon sa Mega Manila sa timeslot nito based on the average audience share of 31.5%, a far cry from its rival shows, ayon pa rin sa datos ng Nielsen Media Research mula Nobyembre 27 hanggang Marso 5.
Isang dekada matapos ang 18 taon ng matagumpay na pag-ere nito sa Philippine TV, inabangan ang pagbabalik ng most-awarded at longest-running Filipino-produced children’s show. Nakuha ng Batibot ang mahigit one-third ng kabuuang bilang ng mga manonood o 34% audience share.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III