NU’NG NAKARATING SA amin ito, hindi na kami na-shock at hindi na rin napa-Oh, my God! Ang nasabi lang namin, “Na naman?”
Ha-ha-ha-ha! ‘Yan lang ang reaksiyon namin nu’ng makarating sa aming kaalaman na sa pagbabakasyon ng magdyowang Alex Crisano at Ethel Booba sa Palawan between Nov. 30-Dec. 2 ay hindi na naman sila nagkaintindihan.
Nagbangayan na naman, nagkamurahan, nagkasakitan ng loob at nagkapisikalan. Hindi naawat, kaya humantong sa presinto na ewan kung true ang narinig namin na nakulong pa kamo ang dalawa, dahil hindi nga magkasundo.
‘Kalokah talaga ang dalawang ito, ‘no?
Kapag hindi sila nagbago o hindi sila naghiwalay at patuloy pa rin nilang ine-enjoy ang pagsasakitan, hindi na rin kami masa-shock kung me magbuwis ng buhay.
Knock on wood. Wala naman sana.
TOUCHED NAMAN KAMI sa TV 5, dahil in-invite nila kami sa kanilang Christmas party for the press kamakailan. “Talentadong Pinoy” movie press edition ang nangyari kung saan sobrang nakaaaliw ang mga kasamahan sa hanapbuhay na nagpakitang-gilas at nagbigay-ningning nang gabing ‘yon.
Happy rin kami, dahil ang TV 5 ay isa na namang pintong magbubukas ng oportunidad para sa showbiz. Ibig sabihin, manganganak na naman ang trabaho ng mga production staff and crew at gayundin ang mga artista.
Ang dami nating artista, pero hindi masyadong nabibigyan ng chance na magka-show. At ang TV 5 ay isang welcome addition para sa mga artista.
At para rin sa mga televiewers, dahil meron na silang ibang alternative shows na mapapanood.
BONGGA RIN ANG Christmas Party for the Press ng ABS-CBN. Talagang halos walang umuwing luhaan sa mga papremyong pinamimigay sa electric raffle na isinagawa. Kami nga, wagi ng 5k, eh.
Aba, hindi na kami choosy, ‘no! Saan mo naman dadamputin ang 5k, ‘di ba? Pambili rin ‘yan ng tarpaulin namin sa district 3 ng Quezon City. He-he-he!
Saka ang mga reporter, honestly, walang bonus ‘yan. Kami talaga ang gagawa ng paraan para maging maligaya ang aming Pasko.
At siyempre, ang TV 5 at ang ABS-CBN ay dalawa lamang sa nagbigay-halaga sa mga kasamahang manunulat. I’m sure, susunod na d’yan ang GMA-7 na lagi kaming iniimbita despite the fact na true-blooded Kapamilya kami.
Whether imbitahan kami o hindi, walang kaso. Ang importante sa amin ay mapasaya ng mga istasyon ang aming mga kasamahan. Wa ek ‘yan, cross my heart.
‘Wag n’yo pong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn kasama namin si Ms. F at ang nakakaaliw na si Rommel Placente na hindi namin kinakaya ang kataklesahan sa radyo.
Oh My G!
by Ogie Diaz