ISA ANG INYONG lingkod sa mga tumayong juror sa February 27 episode ng Talentadong Pinoy on TV5. It would be the last Saturday bago idaos ang Battle of the Champions among all seven Hall of Famers plus a wild card contestant in a free admission showdown at the Cuneta Astrodome on March 6.
Supposedly, taped as live ang episode na ‘yon. Save for some minor retakes, mukhang may ilang bahagi roon ang hindi papasa sa MTRCB partikular na ang adlib ni Ethel Booba who stood as one of the talent scouts.
May ilan kasing distasteful remarks si Ethel pagkatapos sumalang ang isang trese anyos na binatilyong kumanta ng isang Gary Valenciano hit. While her co-talent scouts Amy Perez and director Audie Gemora lauded and applauded the boy’s vocal prowess, iba ang banat ni Ethel.
Type daw niya ang boylet at hihintayin daw niya itong lumaki. But of course, it was Ethel’s attempt at comedy living up to her sexy comedienne image. Kaso, with or without the MTRCB, its sharp ear and watchful eye ay sasabihing in bad tase ang birong ‘yon lalo na’t menor de edad ang pinatutungkulan.
Kilalang balahura si Ethel, a known fact na baka siya na lang mismo ang hindi nakaaalam. Pero may ethics na dapat sundin most specially in a medium made easily accessible to the young whose minds should be spared from corruption!
BLIND ITEM: PASINTABI po sa mga kapatid nating Chinoy o mga purong Chinese most specially ngayong ipinagdiriwang nila ang kanilang bagong taon. Naging tradisyon na ang pagbibigay ng tikoy during these times as a symbol of goodluck all year round, but the Chinese delicacy made of sticky substance has assumed quite a degoratory meaning referring to any person who is close-fisted. Sa madaling salita, kuripot. In gay parlance, “Madame Curie” o Kuring.
Ganito kung ilarawan ng maraming reporter ang sikat na aktor na ito sa kabila ng maraming biyayang dumarating sa kanyang career. Just recently, nagpamalas na naman daw ng pagiging tikoy ang aktor at an event held on a yacht.
Ang ending, umuwing sisinghap-singhap ang mga dumalong reporter sa lugar pa man ding hindi malimit pagdausan ng mga presscon. Kunsabagay, wala rin namang matandaan ang mga reporter na isang insidente, lalo’t Pasko, that the actor ever hosted a party for the press.
Press Party. Common letters in the phrase provide the clue.
HINDI KO NA babanggitin kung anong puwesto, pero kumakandidato sa national level ang personalidad na ito na kelan lang ay naglunsad ng black propaganda laban sa mahigpit na katunggali. Wa siya care sa iba pa niyang kalaban, mas pinupuntirya niya ang kanyang closest rival who, as of latest survey, is slowly going down.
Siyempre, malawak na makinarya (read: datung) lang naman ang katapat nito. Ang hindi makahula, matutulog sa gitna ng kalsada.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III