NAKAKAALIW NAMAN TALAGA si Eugene Domingo nang mag-guest siya kamakailan sa The Buzz at walang takot na sumalang sa The Abunda Challenge.
Eugene recently won the Best Actress award at the 7th Cinemalaya Film Festival for her indie film Ang Babae sa Septic Tank.
Tinanong ko si Uge kung payag ba siyang gumawa ng frontal nudity in an art film. Aba’y wala ba naman siyang kagatul-gatol na sumagot that she is willing to do everything for a special project. “Frontal nudity? Check na check! Kuya Boy, kung gusto mo frontal, back, sideways, double, single. Kahit hindi na ako magdamit sa pelikula gagawin ko iyon makakatipid pa tayo sa costume,” natatawang sagot niya sa akin.
Lalo pa raw ngayon that she has lost weight. “Tutal mayroon na naman akong katawan ngayon na ipapakita. Kung pipilitin ninyo pa, ngayon pa lang maghuhubad na ako,” dagdag niya.
At napag-uusapan na rin lang naman kung may ipapakita si Uge ay masasabi kong noon pa man ay ipinakita na niya ang kanyang kakayahan sa pag-arte. Estudyante pa lang siya sa University of the Philippines ay nahasa na siya bilang isang actress, production and stage management staff under Dulaang UP.
Nang sumabak siya sa mundo ng showbiz, Uge has appeared in several projects gaya ng Marina, Kampanerang Kuba, Kokey, at sa mga pelikulang Ang Tanging Ina, Volta, Can This Be Love, You Are The One, Ang Cute ng Ina Mo, Ang Tanging Ina N’yong Lahat, Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme, RPG: Metanoia, and Ang Tanging Ina Mo (Last Na ‘To!).
Uge is currently promoting Ang Babae sa Septic Tank na napapanood na sa mga sinehan ngayon. The film is distributed by Star Cinema. Marami ang interesadong mapanood ang pelikula lalo pa’t nagwagi ito ng limang awards including the Best Actress award for Uge (Best Screenplay for Chris Martinez, Audience Choice Awards, Best Director for Marlon N. Rivera, and Best Picture). Ang Babae sa Septic Tank is a comedic parody at independent filmmaking. It is the second collaboration of director Marlon Rivera and writer Chris Martinez pagkatapos nilang gawin ang pelikulang 100 noong 2008.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda