MASARAP MAGBITIW NG linya si Eugene Domingo, maaaliw kang talaga! Palibhasa batikang comedienne kaya very powerful ang sense of humor. Nabibigyang-kulay agad ng actress ang mga bagay-bagay. Hindi naging madali para kay Uge na gawin ang character niya sa Here Comes The Bride. Ginawang serious comedy ito ni Direk Chris Martinez sa ikasisiya ng masang Pinoy.
Happy si Uge sa pagiging single niya ngayon kahit walang boyfriend, pero nangangarap din siyang someday magiging bride din siya. “Sabi ko nga, lagi naman tayong nangangarap pero darating ‘yung point na parang papunta ka na sa acceptance. Importante pa bang makasal ka pa o okey na ‘yung mayroon kang companion? Hindi ko alam kung natatakot sila o ano? Sabi ko nga, puwede namang bastusin naman ninyo ako, okey lang. May mga barkada akong bakla, enjoy kasama at kaibigan.”
Kung sakaling dumating‘yung point na type na ni Eugene ang lalaki, gagawa kaya siya ng paraan para mapaibig niya ito? “Kahit ganito ang hitsura ko naghihintay naman ako…”
Palibhasa, strong ang personality ni Uge kaya nai-intimidate ang lalaki sa kanya. Feeling kasi ng guy kakainin sila ng buong-buong ng magaling na comedienne. “Totoo, kakainin ko sila ng buong-buo…”natatawang sabi ni Oge na seryosong nakikinig sa kanya si Ate Chit Ramos. Bigla itong nag-dialogue, “Kung si Ate Guy (Nora Aunor) hindi naman kagandahan maraming nanligaw… pareho lang kayo. Wala sa ganda, wala sa panlabas na anyo, nasa tunay na essence ng isang tulad ng boyfriend ni Pokwang.”
Buwelta naman ni Eugene, “Gusto ko ‘yung tulad ng napangasawa ni Ate Guy na si Boyet de Leon. Ha-ha-ha! Puwede rin ‘yung mix-mix, hindi ka rin makakapamili kung talagang compatible kayo kahit anong lahi ‘yun,” pangangatwiran niya.
Ilang beses na nga bang na-in love si Uge? “Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng in love. ‘Yun ba ‘yung parang puwede mo nang i-give-up ang lahat- lahat? ‘Yun darating kung may maglalakas ng loob? Right now, medyo mabigat na ‘yung aking pamantayan pagdating sa love. Kailangang totoong mahal natin ang isa’t isa at tunay kayong nagmamahalan. May edad na ako, hindi ‘na uubra ‘yung flavor lang, huwag na lang.”
If ever the right guy comes along, willing ba si Eugene na iwanan ang showbiz? “Yes! Hindi naman siguro totally i-give-up, medyo aano ka muna, ‘di ba? Kasi, ang pagkakaroon ng relasyon, isa na naman career ‘yan, kinakarir! Ang relationship inaalagaan, iba na ang priority mo kasi tumotodo na kami sa tanungan. Willing ka bang i-give-up? If it’s still love, you know, the man will love you who you are not because you’re famous or not because you’re rich. Kung dumating man ‘yung taong ‘yun, kapag naglakad na ako sa gitna ng simbahan, naghihintay sa akin, halika na, I do, let’s do it, now! Sabi ko nga, kung anuman, i-accept ko, kung mayroon man o wala.”
Nabalitang hindi raw naging maganda ang paghihiwalay nina Eugene at ang dati niyang manager na si Ricky Gallardo. How true? “Okey pa rin kami ni Ricky, natutuwa ako’t nagkaroon siya ng scholarship sa Israel. Sabi ko, I’m sure nag-enjoy siya, kasi alam ko ang gusto niya.”
‘Yung intrigang malaki na raw ang ipinagbago ng pag-uugali ni Uge nang kumita ang launching movie niyang Kimmy Dora, nagkaroon na raw ng attitude problem ang actress-comedienne? “Hindi naman, ang alam ko kinuha mo akong artista para magtrabaho sa ‘yo. Ang commitment ko, one hundred percent at may opinyon ako. Kapag nagsasabi ako ng opinyon ko, ang translation parang lumalaki ang ulo, nagiging demanding pero pasintabi na. Ano ‘yun? One hundred percent commitment… I don’t think about myself, I think about the whole project. Kung ano sa tingin ko ang magpapaganda, magsasalita ako. Kung demands ang ibig sabihin parang hindi naman. Well, nagko-contribute ka ng opinyon mo, nagsa- suggest ka ng mas ikagaganda. In demand kasi, parang humingi ka ng cappuchino sa gitna ng disyerto, ganu’n,” paliwanag ni Eugene na marami ngang pagbabago, nagkaboses na siya ngayon.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield