KAPATID ANG TURING kay Piolo Pascual, potential rapist naman ang dating ni Dingdong Dantes. Ganito kung ilarawan ni Eugene “Uge” Domingo ang producer at leading man, respectively, ng kanyang solo movie, ang Kimmy Dora (inspired by the gay term “kiyemedora” which means to pull one’s leg).
Pero sa kaso ni Uge, to whom will she spread her legas apart, as in isusuko ang kanyang pagkabirhen: kay Piolo o kay Dingdong? “Pareho ko silang nirerespeto, pero kapatid lang ang turing ko kay Piolo eversince pa nu’ng magkasama kami sa Paano Kita mamahalin? Movie,” sey ng komedyana sa pictorial for the movie under Spring Films.
Excited na na raw ang hitad sa kukunang scenes nila ni Dong, bagay na hindi niya maimadying mangyayari. “Kaya pinaghahandaan ko ‘yon. Aaraw-araw nga akong napapa-oral prophylaxis, kaya tuloy ang nipis-nipis na ng mga ngipin ko,” patawa ni Uge, suot ang kanyang “fashion disastrous” outfit as she slips into the character of Dora (siya rin si Kimmy na kambal niya).
Teka, handa na ba si Uge na mag-aklas ang mga tagahanga ni Marian Rivera? “Isa lang po ang masasabi ko kay Marian… sa ‘yo na si Ding (ang batang kapatid ni Darna), akin si Dong! O, ‘di ba?”
Interestingly, Spring Films is a fledgling film outfit kung saa ang mga co-producer bi Piolo ay sina Direk (or Binibining) Joyce Bernal, Eric Raymundo (manager ni Sam Milby) at Shaine Sarte. Eh, bakit Spring, why not Autumn, Summer or Winter? Ideya pala ‘yon ni Piolo dahil may positibo nga namang kahulugan ang naturang season (tagsibol).
Inulit ko ang tanong ko kay Uge to whom will she give up her vurginity: sa producer o sa leading man niya? “Naku, para namang may igi-give up pa ako!”
‘Yun na!
TIYAK NA LALONG gaganahang makalikha pa ng maganda at world-class na pelikula si Direk Dante Mendoza, lalo’t kamakailan lang, na-file si Quezon City councilor Aiko Melendez ng resolution sa konseho congratulating him. Bunsod ito ng pagkapanalo ni Dante sa 62nd Cannes Film Festival sa Fance sa kategoryang Best Foreign Film for is entry Kinatay.
Labas man sa kanyang opisyal na tungkulin bilang konsehala ng naturang lungsod, Aiko saw it fit na parangalan ang isang kasamahan sa industriya na nakapag-uwi ng di-matatawarang karangalan para sa ating bansa.
Samantala, nagsimula nang gumiling ang mga kamera para kay Aiko, reuniting her with ex-husband Jomari Yllana, with the rib-tickling Ang Spoiled… The Movie. Papel na ina ni Angelina (oGie Alcasid) at amo ni Yaya (Michael V) ang ginagampanan ni Aiko.
“I’ve always wanted to do a family entertainment movie like this one. At least, matutuwa si Andrei (her son by Jomari) dahil magkasama kami ng Papa niya, at the same time I can bring along Marthena (anak niya kay Martin Jickain), sey ng Marie France girl.
by Ronnie Carasco