“I am now a celebrity!” Ito ang walang takot at kakurap-kurap na pahayag ni Eugene Domingo sa The Buzz when she promoted her launching movie Kimmy Dora (Kambal sa Kyeme).
It was a blast talking to Eugene. Nakakaaliw siyang kabalitaktakan. She has spunk that spanks. Minsan matalinghaga, minsan diretso, minsan nanghahamon – pero laging nakakatawa. My interview with her was an awesome roller coaster ride.
Hinog na si Eugene at naghihintay na lamang pitasin. She deserves this big break. She deserves the spotlight. Kung dati ay supporting actor siya, now is her time to shine and become a lead star. Maraming beses nang nasubukan ang kanyang husay bilang aktres at patunay nito ang mga awards na kanyang natanggap. Bato na lang ang taong hindi matatawa sa kanyang mga punchlines o hindi tumulo ang mga luha kapag siya na ang nagdrama.
Iba rin ang halina ni Eugene. Biro mo, two of the country’s hunkiest actors ang kasama niya sa Kimmy Dora. Piolo Pascual is her producer while Dingdong Dantes has a special participation appearance as her leading man. Sino ba ang pipiliin niya sa dalawa na makasama for life? “My producer because without my producer, there is no leading man,” katwiran niya. Oo nga naman.
Kilalang komedyante si Eugene pero hindi lahat ng oras ay puro komedya rin ang kanyang buhay. Hindi lahat ng sandali ay lokohan, tawanan at biruan. Sa likod ng mga nakasisilaw na kamera, kapag siya na lang at ang Diyos ang kanyang kasama ay may mga panahon na umiiyak siya. What makes her easily cry? “Kapag nakakaramdam ako ng totoong pagtulong, pagmamahal at malasakit. At this time, I feel the love and support of people. Kuntento ako sa mga nakukuha ko – support, cameo, maliit man o malaki,” she says.
Mabuhay ka, Eugene Domingo! You have all my love and support!
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda