IBANG KLASE PALA’NG kaibigan si Kris Aquino.
Hindi pala niya nalaman agad na nominated for Best Performance in a Leading Role (Musical or Comedy) ang kanyang kaibigan’g si John ‘Universal Sweet’ Lapus. Ipinagluto pa raw niya ito ng adobo ng dumalaw sa bahay niya kelan lang. At nang papalapit na ang ENPRESS (Entertainment Press Society), Inc. 8th Golden Screen Awards, doon lang nito sinabi kay Kris na kinakabahan siya dahil sa nasabing nominasyon. At nagkataon naman na nang ganapin ang nasabing awards noong Sabado ng gabi sa Teatrino, hindi talaga makakapunta si Sweet dahil nasa Boracay ito at may shooting.
Kaya nang malaman ito ni Kris, nangako siya kay Sweet na manalo man o matalo ito eh, siya ang magre-represent sa komedyante sa naturang gabi.
Halos sixteen years na pala ang friendship ng dalawa. Kaya naman, naging nanay-nanayan na rin sa kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby James si Sweet. Bago pa man isilang si Joshua eh, close na sila ni Sweet at ang isa raw na ikinatutuwa niya sa kome-dyante eh, ‘yung pagtitiyaga nito sa kanyang panganay pagdating sa pagdi-disiplina. Na pinipilit pa raw ma-achieve ni Sweet ngayon kay Bimby James pero hindi pa siya nagtatagumpay.
Kaya masayang-masaya si Kris nang tawagin ang pangalan ni Sweet na siya ngang itinanghal na Best Performance by an Actor (Musical or Comedy) para sa ginampanan nito sa Here Comes the Bride.
Nag-send ng kanyang mensahe si Sweet sa Blackberry ni Kris na siya naman nitong binasa, katulong ang isa sa hosts that night (with Councilor Roderick Paulate) na si Eugene Domingo, na matalik ding kaibigan ni Sweet.
What Kris can do for a friend!
INAKALA NG PAMUNUAN ng Golden Screen Awards na hindi na makakarating si Eugene para mag-host nang gabing ‘yon. Dahil a day before the awards eh, nagpahatid na ng balita ang kanyang staff na isinugod nga ito sa ospital.
Inakala ng mga taga-ENPRESS na over fatigue ang naging sanhi ng pagkaka-sugod ni Uge sa ospital.
Kaya, marami ang ginulat nito nang dumating sa Teatrino pero mabagal nga lang at dahan-dahan ang lakad.
Nagkaroon daw siya ng muscle strain sa bandang likuran sanhi ng pagkakahulog niya sa isang septic tank sa shooting niya. Kaya, laking pasalamat naman ng komedyanang hindi naman siya umabot sa point na kinailangan niyang mag-wheel chair. May mga umaakay nga lang sa kanya para hindi siya matumba.
Isang kinailangan that night para kay Uge eh, microwave oven-na meron naman ang Teatrino. Para ito sa kanyang hot compress na inilalagay sa bandang ibaba ng likuran niya. Kaya ang tanong ko sa kanya eh, kung sino ang bumubuhat sa kanya sa kama niya. Ang mga ladies in waiting daw niya.
Kaya ang biro namin, dapat na nga siguro siyang magka-Papa para may nag-aalaga na sa kanya. Eh, tumawa lang ito nang tumawa.
Tinukso na rin siya ni Kuya Dick sa kanyang flowing floral dress that night.
Eh, kumusta naman ‘yung dahil nga sa hindi puwedeng mapuwersa ang muscle strain niya sa bandang ibaba ng kanyang likod-medyo maluwang nga ang flowing floral dress ni Uge.
And guess what? Wala siyang suot na panty!
Para mapatunayan, touch naman ako sa puwitan niya at wala nga akong nasalat na line, kahit kapirot ng panty doon.
“Para madali ako ma-jingle. Kung may suot ako, mahihirapan ako at matatagalan!”
Naalala tuloy namin ang ilang awards night ng naging bahagi kami, na madalas noon gawin sa Metropolitan Theater.
May time kasi na dumating doon na naka-sakay pa sa kalesa ang dating sexy star na si Tet Antiquiera. See-through ang suot nitong gown. At oo, wala itong suot na panty! Na-ging usap-usapan ‘yun sa apat na sulok ng showbiz. The next awards night, pinag-uusapan na rin the likes of Ellen Esguerra. Sabi nga, you’ve got to have a gimmick para pag-usapan.
Pero okay Uge, napapag-usapan ito hindi dahil sa gumi-gimmick siya. Nasabi niya ito dahil nga ang dami’ng pumuna sa kanyang kasuotan that night-na para nga siyang isang prinsesa’ng inaakay ng kanyang mga dama!
Click ang tandem nina Uge at Kuya Dick sa hosting. Pinasaya nila ang espesyal na gabi para sa mga napiling pinaka-mahuhusay na pelikula at artista para sa nagdaang taon.
The Pillar
by Pilar Mateo