MAY CHIKANG BINITAWAN na raw ni Ricky Gallardo (talent manager) ang alaga niyang si Eugene Domingo. Malaki na raw ang ipinagbago ng pag-uugali ng actress/comedienne after the success ng launching movie niyang Kimmy Dora na idinirek ni Joyce Bernal. Inilagay na raw nito sa ulo ang tinatamasang kasikatan.
Bukod sa nagtaas ng presyo itong si Eugene, marami pa raw demands ang magaling na komedyante. Naging pasaway na raw itong si Uge, tumatanggap ng mga commitment na hindi man lang daw ipinaaalam sa kanyang manager. Nagmamarunong pa rin daw sa pagtanggap ng project at hindi tumatanggap ng pagkakamali. Madalas nga raw magkasagutan ang dalawa kaya nagdesisyon si Ricky na bitawan na lang si Eugene kaysa humantong sa hindi maganda ang kanilang samahan bilang magkaibigan at talent manager.
Ayon sa aming source, walang kontratang namagitan kina Eugene at Ricky, verbal lang ang naging usapan nilang dalawa. Sa ngayon, naghahanap raw ng bagong manager si Eugene na magha-handle ng kanyang showbiz career. Hindi raw kawalan kay Ricky si Uge, para nga raw itong nabunutan ng tinik nang pakawalan niya ang magaling na comedienne. Isa lang si Uge sa mga mina-manage na talents ni Ricky. Nand’yan din sina Sid Lucero, Bembol Roco, Christopher de Leon, Rio Locsin at Francine Prieto.
NAGBABALIK-PELIKULA SI Phillip Salvador sa action-fantasy na Ang Panday. For the first time, kontrabida ang papel na gagampanan niya as Lizardo, ang kampon ng kadiliman.
“Sobrang paghahanda ang ginawa ko rito, ayaw ko kasing mapulaan tayo. Nag-experiment ako sa sarili kong interpretation ng Lizardo character. I’ve seen Lizardo as the devil, pati boses ko iniba ko. Kung ano ‘yung boses ko during the shoot of filming, ‘yung dubbing ko ganu’n din. Kaya lang, after a while, masakit sa lalamunan, parang nagsusugat,” bungad niya.
Hindi kaya ma-typecast si Phillip sa pagiging kontrabida? “Kung may mga offer na darating na ganyan, inaaral muna ‘yan kung okey ba? Titingnan mo kung okey ‘yung kombinasyon namin ng bida at ‘yung character na gagampanan ko. Ayaw ko namang basta na lang gumawa ng pelikula kahit hindi bagay sa akin ‘yung role. Dapat i-consider mo rin ‘yung bida and especially sa producer. Masaya ako kasi very challenging itong role ko as a devil. ‘Yung series na Panday ni Fernando Poe, Jr. pinanood ko,” sabi pa niya.
Ikinuwento pa ni Ka Ipe na malapit na uli natin siyang mapanood sa TV. Hindi lang niya binanggit kung sa Kapamilya network o sa Kapuso ang teleseryeng gagawin niya.
“This January may darating, hinihintay ko na lang ‘yung grace ni Lord na paratingin this January.”
As an actor, wala nang dapat pang patunayan si Phillip. Hindi na nga mabilang ang mga awards na kanyang natanggap sa iba’t ibang award giving bodies. Kung tutuusin nga, puwede na siyang magdirek if ever, given a chance.
“Kung may magtitiwala… baka they’re not taking me seriously. Bigyan nila ako ng script na gusto nilang idirek ko, why not! Kahit sa TV lang, isang malaking hamon ‘yan para sa akin.”
Sa mga bagyong dumating sa buhay ni Phillip, paano niya ito nalagpasan? “Ganito lang ‘yan, I’m a Christian now, I know that the Lord is with me as a mighty warrior, he will never let go of me. Mga persecutor ko, they will fail and totally disgrace. Siguro ‘yung prayer, it helps me a lot. The Bible help me a lot. When you’re feeling depressed and everything… you know? You just go in one corner where you feel safe and you can have intimacy with the Lord. That’s the time you open the Bible, you talk to him, you pray to Him and it’s all there. It will be answered by the Bible.This Christmas, I’ll spend it with the Lord and with my family. Simple lang, hindi na tayo ‘yung bongga-bongga pa, simple na lang tayo,” pagwawakas na pahayag ng batikang aktor.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield