SA APRIL 24 na, Sabado, ang 26th PMPC Star Awards for Movies sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University in Quezon City, at may TV airing ito sa TV-5 sa April 25, 2010 (Sunday), 9:30 PM.
Who said na down na ang movie industry? Thanks to the proliferation ng magagandang independent films at kahit papaano ay may indie producers pa rin ang gumagawa ng pelikula. Sabi nga ng isang batikang director, marketing lang ang strategy diyan para mas maraming makapanood ng indies na ito.
Pero siyempre, hindi pa rin natin puwedeng isawalang-bahala ang mainstream film companies na milyones ang budget sa paglikha ng movies – tulad ng Star Cinema, Regal Entertainment, Viva Films, Octo Arts Films, at GMA Films at maging ang mga baguhang film outfit like Spring Films ni Piolo Pascual.
Pasok ang Kimmy Dora ng nagsisimulang Spring Films as Movie of the Year nominee sa 26th PMPC Star Awards for Movies, kalaban ng mga big films like In My Life, I Love You Goodbye, Ang Panday, at Mano Po 6.
Sa nakaraang Oscars nga, magka-level rin ang Avatar at The Hurt Locker, hindi ba? Although sa Star Awards, minabuti ng club na ihiwalay ang indie o digital films, sa iba’t ibang dahilan ng grupo.
Nominado naman sa Digital Movie of the Year ang Dinig Sana Kita, Astig, Dukot, Puntod, at Ded Na Si Lolo. Ang corresponding filmmakers ng mga ito (pati na sa mainstream) ay kapwa mga nominado rin bilang best directors.
SA ACTING DEPARTMENT, pinaka-exciting lagi ang Best Actress race, as always. Panahon pa ng labanang Nora Aunor at Vilma Santos sa past award giving ceremonies noong araw, buhay na buhay ang kani-kanilang fans kung sino ang makakapag-uwi ng pinakamimithing tropeo.
Sa 26th PMPC Star Awards for Movies, pagkalipas ng ilang taong di paggawa ng pelikula, nominado muli si Vilma Santos bilang Movie Actress of the Year for her sterling performance in In My Life. Matindi rin ang apat na kalaban niya – Sharon Cuneta, Angelica Panganiban, Iza Calzado, at Eugene Domingo.
Si Sharon, nag-win last year sa Star Awards for Caregiver, pero hindi rin matatawaran ang acting niya sa Mano Po 6, kahit inisnab ito ng ibang award giving body. As for Angelica sa I Love You Goodbye, nagpamalas ito ng kakaibang sensitivity as a matured actress, kaya alaga siya ng ABS-CBN, at humahataw si Angelica sa Rubi gabi-gabi.
Pambato naman ng GMA-7 sa aktingan ang kahusayan ni Iza at kapuri-puri rin ang kanyang performance sa Dukot. Si Eugene naman, no doubt na epektibo ang performance nito sa Kimmy Dora dahil buong bansa ay pinatawa nito sa kanyang launching movie, at isang big hit.
PARA SA MOVIE actor of the Year (o Best Actor) category, magtutunggali upang masungkit ang tropeo sina John Lloyd Cruz, Roderick Paulate, Allen Dizon, Ramon “Bong” Revilla, and Lou Veloso.
First time gumanap ni John Lloyd na bading sa pelikula via In My Life and hindi matatawaran ang husay nito. Effective lagi si Roderick sa kanyang bading role ever since pero may kakaibang sundot ang atake niya sa komeding Ded Na Si Lolo.
Mahirap rin ang role na ginampanan ni Allen bilang aktibistang dinukot at tinortyur sa Dukot. Ipinamana ni FPJ kay Senator Bong ang Ang Panday, na sinasabi niyang among his best films made. At si Lou Veloso, isa siyang beterano na sa acting, at ang husay rin nito sa Colorum.
For Movie Supporting Actress, nominado sina: Gina Alajar (Dukot), Gloria Diaz (Sagrada Familia), Heart Evangelista (Mano Po 6), Zsa Zsa Padilla (Mano Po 6), at Rhian Ramos (Ang Panday).
Magbabakbakan naman bilang Movie Supporting Actor of the Year sina: Aldred Gatchalian (Bente), Luis Manzano (In My Life), Phillip Salvador (Ang Panday), Fanny Serrano (Tulak), at Dennis Trillo (Mano Po 6).
Mellow Thoughts
by Mell Navarro