KAPANSIN-PANSIN ANG malaking pagbabago sa figure ngayon ni Eugene Domingo nang makausap namin siya sa taping ng Celebrity Bluff with Jose and Wally ng GMA-7. Nagka-shape ang katawan na bumagay sa kanyang personality. Lifetime na raw ang ginagawa niyang pagda-diet. Say niya, “Brown rice, when you wake-up, drink at least two glasses of water. Pagka-breakfast mo at nailabas na ang sama ng loob mo, lumiliit ang tiyan.”
For the first time, magsasama sina Uge, Jose at Wally sa isang game show na tiyak na kagigiliwan ng manonood. How do you describe Jose and Wally as a comedian? “Very typical, when we’re not working they’re quiet. Ganu’n ang mga komedyante, tahimik lang. Pero ‘pag trabaho na, kuwela na kengkoy na. Hindi talaga sila maingay. Si Jose, kapag hindi ka binitawan, lagot ka, talagang tuluy-tuloy. Kaya nang sinabi sa akin na makakasama ko sina Jose at Wally, sabi ko, Sure! Kasi, nakakatuwa, maraming kome-dyante ngayon, kakaunti lang ang straight. Palagay ko, silang dalawa, iilan lang sa mga straight na komedyante na hot na hot ngayon at kapit na kapit ang masa sa kanila. Sa madaling salita, gusto kong maki-ride-on,” natatawang sabi ni Eugene.
Para kay Uge, mas madali para sa kanya ang gumawa ng game show kaysa teleserye. “Definitely, it’s so much easier, I think than soap opera, because soap opera is two times a week. Talagang nandu’n na lang ang buhay mo, hindi ka na makakagawa ng pelikula. While in game show, once a week lang kami, puwede kaming mag-taping ng tatlong episode. Sa simula lang naman nanganganay nang matagal. But since we’re trying our best to develope an original Pinoy game show, it’s really very hard. Gusto naming maging unique, ang daming kaila-ngan i-resolve, tehnically pati sa mga mechanics. Ang hirap talaga ng original.”
Napag-alaman din naming hindi pala scripted ang batuhan ng lines nina Eugene, Jose at Wally sa game show. Iba-bluff lang nila ‘yung mga players, makikisakay naman si Uge. Iko-confuse nila kung papaano nila paglalaruan ‘yung mga contestant. Biggest bluff na experience ni Eugene noong 2009. Kuwento niya,“Mayroon akong gustong upahan na apartment sa bakasyon ko sa New York kasi ayaw kong mag-hotel gusto kong magtipid. Naku, Diyos ko! Na-bluff ako, nagsulat, nag-e-mail na ipadala ko na ‘yung downpayment. Napadalhan ko, parang lumalabas na forty thousand pesos. Sumulat uli na kailangan pa, ‘yung anak raw niya eh… hindi na totoo ito.”
Binanggit din ni Eugene na nominated ang stage play niyang Bona sa philippines.broadwayworld.com for Best Play, Best Director, Best Actor, Best Actress, Best Crossover Artist, Best Teacher Actor (Joey Paras), Best Teacher Actress (Anna Luna). “If you have seen Bona and if you like it, please vote for us, nang mahilera na ako kay Lea Salonga, parang ibang level na. First love ko ang stage, ‘yung training talagang hasang-hasa. Mahirap din, hindi ka rin makakatulog sa pag-iisip kung papaano pa magiging interesting. Kung papaano pa magi-ging iba-iba ‘yung mai-offer mo para hindi nakakasawa. Ang goal ko noon ay tumaas lang ‘yung grado at maka-graduate. Ang goal ko ngayon ay mahikayat ang maraming tao na ma-experience ang theater. After theater, gusto ko uling gumawa ng maraming-maraming pelikula. Next year, kahit pito gagawa ako. Ang naririnig ko, Kris Aquino, Regine Valasquez, one with Star Cinema. I think one with Jose also. Babalik na naman ako sa filmmaking,” pahayag nito.
Kahit abot-kamay na ni Eugene ang tagum-pay, mayroon pa rin siyang pinapangarap. “Siguro, ratsada pa tayo ng tatlong taon, lima hanggang gusto ninyo. Sana mabigyan ako ng mahabang-mahabang TV show ala-John & Marsha. Pangarap ko ‘yun and I think, I will just go back to what I love most which is theater.”
Sa status ngayon ni Uge, inamin niyang nagtaas siya ng talent fee. “Punung-puno ng lambing. Puro request, puro lambing, naawa naman sila. Madali naman akong kausap. Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan ng bawat producer at saka kung ano ang gustong puntahan ng pelikula. Anong malay mo, balang-araw gusto ko ring mag-produce ng pelikula, ‘di ba?”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield