NAPAKAGANDANG BIRTHDAY GIFT ang natanggap ni Eugene Domingo sa taong ito. Tinanghal siyang Best Actress sa pelikulang Ang Babae sa Septic Tank sa nakaraang 7th Cinemalaya Phi-lippines Independent Film Festival plus four major awards, Best Director (Marlon Rivera), Best Screenplay (Chris Martinez), Audience Choice Award at Best Picture. Bukod sa mga awards na natanggap ng nasabing indie film, iri-release ito ng Star Cinema sa Metro Manila.
Inamin ni Uge na 40 years old na siya at gusto na niyang mag-asawa kaya naman kina-karir niya ang pagda-diet at pagpapaganda. “Wala na ta-yong edad na pinipili ngayon, huwag lang tayong makulong. Pero ang importante ‘yung compatible kayo whatever you do to each other. Ha! Ha! Ha! Ganu’n lang ‘yun, masaya, okey na ‘yun. Huwag na lang natin medyo seryosohin. Nga-yon, kung mauuwi sa seryoso at tama, bakit hindi? Sa panahon ngayon siguro dapat makuntento na ako kung sa anuman gusto ninyo ako ilagay. Pagdating sa puso, hinihintay ko na lang ang ibibigay ng Panginoon. Bata man, may edad, huwag naman ‘yung walang-wala na ako ‘yung bubuhay sa kanya. ‘Yung bang eksakto, compatible sa lahat ng level so, sana ibigay,” say niya.
Naisip ba ni Eugene na darating ‘yung time na magi-ging isang sikat siyang artista? “Alam po ng Panginoon, hindi ako nag-isip na isang araw pini-piktyuran ninyo ako, tinututukan, hindi ko po naisip ‘yun. Gusto ko lang talaga makatrabaho ‘yung mga hinahangaan kong artista. Mabigyan ako ng papel na mahirap o masarap gampanan. Ginagawa ko nga lahat ‘yung mga artista na napapanood ko sa TV. ‘Yun ang mga laro ko sa bahay, iyak-iyakan, komi-komedihan, role-playing. Natuwa ako may kurso palang theater arts. The first time I saw legitimate musical play in CCP. I knew already, ganyan ang gusto kong buhay, to be an actress on stage. Nakapag-extra ako sa pelikula, mga kaibigan ko rin ang nagdala sa akin ‘du’n. Hindi ko inasahan na aabot ako sa ganitong katindi, kung nasaan man ako naroroon. I just want to make beautiful things. I just want to do my best as an actress.”
Sa totoo lang, angat ngayon si Uge sa ibang artista dahil internationally-acclaimed actress na siya. “Paminsan-minsan naiisip ko ‘yan. Natutuwa ka, salamat naman dahil naitataas ko ‘yung level ko kahit papaano. Kasi, minsan iisipin mo, pupuwede naman laging bestfriend, sidekick. Dito sa Septic Tank, binigyan ako ng napakagandang role, very meaty at nabigyan pa ng acting award. Natutuwa ako umaabot ako roon pero hindi ko iniisip na ako na ang pinakamataas. Oo, aaminin ko, angat ako sa iba! Ha! Ha! Ha!” Natatawang sabi nito.
Natutuwa si Uge na nakakapag-cross-over siya sa iba’t ibang network na walang natatapakan. “‘Yun ang gusto ko, ang tinatahak ko ay papunta roon. Ang delikadesa ay nandu’n pa rin, kasi naniniwala akong mas magiging maligaya ako bilang artista kung makakatrabaho ko lahat. Ang pinakamalungkot na mangyayari sa akin kapag kinulong mo ako. Natutuwa ako dahil naiintindihan ng aking mga boss kaya pinapayagan nila akong umalagwa. But I always take it to consideration at delikadesa. Hindi ako gagawa na masasaktan sila, labas sa aming napagkasunduan. Ang importante lang talaga, huwag kang mananakit and if ever mayroong understanding. Medyo hindi mo tinatapos ‘yung relationship mo kahit saang network pa ‘yan. Because you never know, lahat ‘yan makakasalubong mo sa buhay mo. Sikat ka man o hindi, lahat ‘yan magkakasalubong tayong lahat. So, I welcome everybody and I thank them. Pagdating naman sa theater, naghihintay lang ako ng tamang panahon but at this moment, gusto kong samantalahin ang mga opportunity na ibinibigay sa akin dito sa pelikula at telebisyon. But I know, I will return to where I came from and to my first love which is the theater,” pagwawakas na pa-hayag ni Ms. Eugene Domingo.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield