“THE COMBINATION of Joyce Bernal and Cris Martinez is ‘Kimmy Dora’, bungad na salita ni Eugene Domingo. Nag-ten days shooting pala sina Direk Joyce Bernal at Uge sa Korea para sa mahahalagang eksena sa pelikula.
“First day namin doon, ang weather negative seventeen. Sa bundok pa kami nag-shooting , dalawang beses pa naming kukunan si Uge as Kim and Dora. Second day namin, negative twenty two. Mabuti na lang at isa kami sa mga producer kasi, kung may isang tao na nagsabi na Direk, hindi ko na kaya, uuwi na po ako, sama po ako sa kanya. Hindi ko na kaya pero kailangang tapusin. Wala kaming mainom dahil nag-freeze ‘yung tubig na iniinom namin,” say ni Direk Joyce.
Ibinahagi rin ni Eugene na maraming sakripisyo ang ginawa nila habang nagsi-shooting sila sa Korea. Feeling nga niya, Doing Kimmy and Dora is like doing my last movie, really. Minsan, nakakaiyak naman ito, nakakapagod ‘yung ganu’n. Nag-aminan naman kami ni Direk, ‘Be careful what you wish for’. Nag-wish kami na sana mag-snow, kasi pupunta ka sa winter tapos walang snow. Ipapa-kita mo sa sinehan, nasaan ang snow. Nang ibinigay naman ng Panginoon ang snow, todo naman. Nasira naman ang kamera, hindi siya umandar sa sobrang lamig. Bumigay siya sa taas ng bundok na punung-puno ng snow,” tsika ni Uge.
Excited na ikinuwento ni Uge kung paano naganap ang kissing scene nila ni Zanjoe Marudo. Walang kaarte-arte raw ang binata lalo na sa mga nakatutuwang eksena nilang dalawa. “Alam ninyo, ang suwerte-suwerte kong talaga, bigay na bigay. Sumigaw na nga si Direk Joyce na tama na, nakalimot na nga ako kasi, kailangan ko, naiintindihan niya. Sabi nga nu’ng nanonood sa playback, ang bait talaga ni Zanjoe,” say ng comedianne. “Nilaplap niya si Zanjoe,” dugtong naman ni Direk Joyce.
Wala kayang naramdamang malisya si Zanjoe or si Uge habang kinukunan ng ilang beses ang kissing scene nila? “Siyempre, mayroon,” natatawang sabi ng actor. Nag-react ang magaling na actress, nan’dyan bumukaka ito sa harap ng media na nagpapakuwela. Tawanan tuloy ang mga tao sa loob ng Dolphy’s theater.
May kissing scene din si Eugene with Dingdong Dantes sa swimming pool. “Silang dalawa (Zanjoe and Dingdong) ang husay nilang mag-comedy. Agad-agad nilang naikakabit ‘yung character nila kahit alam mong sanay na sanay sila sa drama. Wala nga silang kamali-malisya sa akin kahit ano pa ang ipakita ko, siningit ko na nga ‘yun, ‘di ba? Okey naman din na walang malisya kasi, sagabal ‘yun, istorbo. Kailangan kasi, nasa edad na ako para ma-kipag-kissing scene,” nagbibirong wika ni Eugene na lalong ikinaloka ng movie press. Tuloy, hindi namin mapigilan na hindi matawa sa mga litanyang binitawan ng magaling na comedienne.
Kung si Ai Ai ay masaya ngayon sa bago niyang pag-ibig at malapit nang ikasal, sa kaso ni Eugene, kailangan naman kaya mangyayari ‘yun? “Sinasabi niyang happy siya pero wala siyang sinasabing kasal. Sabi niya, happy ako, tahimik, nag-aasikaso ng pamilya. Kasi, kapag napapagod ako tini-text ko siya. Gusto kong makarinig ng mga words of encouragement from her. So, kinukumusta ko siya at happy siya. Sabi ko, next year na kami makakagawa ng pelikula kasi, hindi siya makakasali ngayon sa MMFF. Ako, hindi ko pa rin sigurado, ganoon lang ang daloy ng conversation namin ni Ai-Ai. ‘Yung tungkol naman sa ikakasal ako, kung mayroon mang salita na magdi-describe ng pakiramdam ko sa kaloob-looban ko ay kontento, satisfy, greatful,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield