NAKAUSAP NAMIN SI Eugene Domingo sa pictorial ng Shake, Rattle and Roll 13 (Rain, Rain Go Away episode) noong Sabado, November 19 at masaya niyang ikinuwento ang experience niya sa tour niya sa Academy Building ng Oscars.
Ayon sa kanya, ‘di niya malilimutan ang ginawa niyang pagyakap sa mga life-size statues ng mga sikat na Hollywood stars na naka-display sa nasabing building.
Very warm daw sa kanya ang awards coordinator ng Oscars at nagpaalam daw siya na mayakap ang mga nakahilerang life-size statues at nag-okay naman daw ito. Inisip niyang para siyang bata sa kanyang ginawa, pero first time lamang daw ito na napasok niya ang nasabing lugar, kung saan ginaganap ang screening ng mga pelikulang kalahok in more than 100 countries para sa 2012 Academy Awards.
“Hindi naman kami nangangrap na talagang makapasok sa top 5 o ma-nominate, pero kapag ipinagkaloob, isang karangalan para sa atin ‘yun. Hindi man kami mapipili, at least napasok ang ‘Ang Babae Sa Spetic Tank’ sa screening nila,” paliwanag pa ni Uge sa amin.
Inusisa din namin si Eugene kung okay lang ba sa kanyang magkaanak kahit na hindi niya makatuluyan ang magiging ama nito, at para sa kanya walang problema dahil ang baby ay isang blessing.
Sa ngayon, abalang-abala si Uge sa promo ng kanyang tatlong pelikula na kalahok sa MMFF 2011. Ang taray ni Uge, tatlo-tatlo ang entries sa pista ng pelikulang Pilipino. Ito ay ang Enteng ng Ina Mo, My Househusband, at ang Shake, Rattle and Roll.’
Sa December naman ay muli na niyang haharapin ang kamera para sa installment ng blockbuster hit movie niyang Kimmy Dora.
MAIKSI MAN ANG kanyang role sa pelikula ng kanyang amang si Gov. ER Ejercito, masaya naman si Jerico Ejercito na naranasan na rin niyang umarte sa mundo ng pelikula, kung saan dito nakilala at nagsimula ang kanyang daddy.
Nakausap namin si Jerico noong concert ni Vice Ganda sa Metro Bar at ayon pa sa kanya, okay lang naman na pumasok siya sa showbiz, basta priority pa rin niya ang kanyang pag-aaral. Sa ngayon ay second year Political Science ang kursong kinuha ni Jerico sa De La Salle University at naramdaman naming ito ay paghahanda na rin niya sa pagpasok sa pulitika balang-araw.
Welcome to the showbiz world, Jerico!!!
SUCCESSFUL ANG CONCERT ni Vice Ganda noong Biyerness sa Metro Bar na pinamagatang Private Vice Revealed, umaapaw talaga ang tao, literally, at ang iba nga ay lumipat na lamang sa ibang comedy bars. Hindi rin magkandaugaga ang mga tao, sa katatawa sa monologue ni Vice, undisputed talaga pagdating sa pagpapatawa ang nag-iisang Unkabogable Box-Office Gay na tinatawag sa ngayon. Ang isa pang agaw-eksena sa concert, ang ‘di sinasadyang pagkahubad ng pantalon ni Vice na nakeri naman niya at idinaan na lang sa pagpapatawa. Mabuti na rin at may leggings sa loob si Vice kaya hindi siya nakitaan, kung anuman ang puwedeng makita na kanyang tinatago.
Congrats sa mga producers sa napaka-successful na show ni Vice last week.
Twitter: @arnielcserato; Facebook: [email protected]; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa [email protected].
Sure na ‘to
By Arniel Serato