Noong una, akala ko, tinatamad na si Eugene Domingo na gumawa ng pelikula. Sa telebisyon ko na lang siya napanonood sa kanyang “Dear Uge” sa GMA Network.
‘Yun pala, nananahimik lang ang aktres at may paandar siya sa darating na 2016 MMFF via the 2nd installment ng pelikulang “Ang Babae sa Septik Tank” na rumatsada during the award season noon.
“I am very happy and excited and very grateful sa muling pagbabalik ko sa pag-arte sa pelikula,” sabi niya.
For a while kasi, nahinto ang pag-arte niya sa pelikula. Mas nag-concentrate siya sa pag-arte at paglabas sa telebisyon.
Kuwento ni Uge: “Kasi kailangan ko munang magpahinga. Sa movies lang naman ako nagpahinga, pero tuloy pa rin naman ang TV show ko.
“Perfect timing naman ang paggawa ng ‘Septic Tank 2’ na sequel, because everybody here is so inspired. Ang ganda! Ang perfect ng timing. Ang perfect ng cast. Perfect ang script. It’s the perfect family movie this Christmas,” kuwento ng aktres.
Happy ang aktres dahil ang pelikula niya ay napili at isa sa walong entries na mapanonood simula December 25.
Walang expectation si Uge sa kalalabasan o resulta ng kanyang pelikula sa MMFF.
“Wala naman actually, pero ang gusto ko ay mag-enjoy sila sa pelikula at kiligin sila. Kasi masaya eh, lalo na kung dadalhin nila ang barkada nila. Laugh trip siya. Dalhin mo ang family mo, barkada, boyfriend mo, girlfriend mo. Basta kikiligin ka sa movie. ‘Yung ‘Septic Tank 1’ is about poverty. Dito naman, crush na crush kaming lahat. Mararamdaman mo na lahat kami in love,” kuwento niya.
Sa darating na MMFF, ang pelikula niya at ang film ni Paolo Ballesteros na “Die Beautiful” ang sinasabing magtutunggali sa klase ng komedya. Sa katunayan, ang dalawang pelikula ang sinasabing maglalaban sa takilya. Pareho kasi ang peg at ang mga director nila, pareho rin ang kalibre.
“Ang ganda naman ng prediction na iyon. Tatanggapin ko ang prediction na iyon. Sige, oo. pero hintayin natin ang Pasko. Gusto ko talaga, iniimadyanin ko talaga na pilahan nila ang ‘Septic Tank 2’. Gusto ko iyan,” patawang kuwento ng aktres.
Kung maaalala pa, nanalo siya as Best Actress last year (2015) sa Tokyo International Film Festival via the film “Barber’s Tale” na dinirek ni Jun Lana na siyang nag-direk ng din pelikulang “Die Beautiful” na nagbigay ng Best Actor trophy kay Paolo sa same award-giving body this year (2016).
Aminin man ni Uge na bakbakan ito sa takilya para sa kanila ni Paolo, kung sino ang magwawagi at makaungos sa box-office result at maging sa mga tropeo na maiuuwi ng mga pelikula nila ay abangan na lang natin.
Sa “Ang Babae sa Septik Tank 2”, makasasama ni Uge sina Jericho Rosales at ang kanyang “super crush” noon pa man hanggang ngayon na si Joel Torre.
Kuwento nga ni Uge tungkol sa aktor, “Si Joel Torre, i-bleep ninyo na lang, he’s a fucking good actor,” sabi ng aktres.
Reyted K
By RK VillaCorta