Eugene Domingo, shocked sa pagkakaroon ni Ai-Ai delas Alas ng dyowang bagets

Ai-Ai-delas-Alas-Eugene-DomingoKAIBIGAN NI Eugene Domingo si Ai-Ai delas Alas. Kaya hindi maiwasan na hingan siya ng reaksiyon hinggil sa maingay na usap-usapan hinggil sa 20 year old La Salle student na bagong boyfriend nito

“Na-shock ako!” natawang sabi ng host ng Celebrity Bluff.

“Actually, talaga sa totoo lang wala tayong pakialam, ‘no? Kasi… si Ai Ai, may sarili na siyang pag-iisip. At saka may sarili naman siyang mga pangangailangan. E, hindi naman natin… we have no right you know, even to react. But I just hope that she’s happy.”

Siya kaya, can she imagine herself falling in love to a guy much much younger than her?

“No!”nangiting mablis na sagot ni Eugene. “Hindi ako mahilig sa bata, e. Gusto ko ‘yong mas matanda sa akin. Kasi gusto ko baby ako forever.”

Matagal na panahon na siyang walang lovelife. At tila hindi naman nga niya hinahanap ang pagkakaroon ng special someone.

“Kasi ang paniniwala ko riyan, kapag masyado mong hinahanap or masyado mong pinaghihirapan… hindi ‘yon. Love should be easy. And… wala namang nagpaparamdam lately sa ngayon. At saka hindi naman ako intimidating. Kapag may bastos, bastos talaga ako! Hahaha! Kapag may gusto sa ‘yo, may gusto talaga. ‘Di ba? Ako naman, e… appreciative naman ako sa mga blessings ni Lord. Alam mo ‘yon? ‘Yong minsan kapag hindi ibinibigay sa ‘yo, kasi hindi mo kailangan.”

Ganyan?

ANO MAN daw ang mangyari, hindi matitinag at patuloy na maninindigan si Public Attorney’s Office Chief Atty. Percida Acosta para sa mga naging buktima ng paglubog ng MV Princess Of The Stars.

Taong 2008 pa nang maganap ang malagim na aksidenteng paglubog ng MV Princess Of The Stars ito na ikinasawi ng daan-daang katao. At hanggang ngayon, dinidinig pa rin ang kaso laban sa may-ari ng barko.

Civil case lang at hindi criminal case ang inilabas na resolusyon ng Supreme Court hinggil sa kaso. Na patuloy na iniaapela ni Atty. Acosta para sa mga biktima at mga kaanak ng mga ito.

“Gusto naming i-en banc,” aniya. “Dapat i-en banc kasi national interest ito at saka public safety ang issue rito. Ang ano namin dito… kung sino ‘yong may question of law at saka constitutional right. The right to life kasi ang involve nga rito ay buhay nating lahat. Kaya dapat… i-en banc. Para mahimay.

“Bakit parang wala nang kabuluhan ‘yong buhay ng mga naging biktima? Bakit civil case lang? Dapat criminal case. ‘Yong civil cases gaya rito sa Manila, 64. ‘Yong  ng nasa Cebu… 59 cases. Nagta-trial kami. Maaawa ka sa mga pamilya ng biktima kasi ‘yong iba, naglalakad lang papunta sa RTC. Ako naman pinakakain ko sila kapag nagugutom kasi minsan inaabot kami ng alas-dose ng tanghali kapag naghi-hearing.

“Do’n naman sa Cebu, nanggagaling pa po sa Davao ‘yong ibang pamilya. A-attend lang ng hearing. Anim na taon na po naming itinataguyod ito. At ako kasi kapag inumpisahan ko, hindi ko tinatantanan, e. Talagang tatapusin ko ito. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako makaaalis-alis sa PAO. Kasi marami pang umaasa sa akin.”

Hindi itinanggi ni Atty. Acosta na may mga humihimok nga sa kanya na kumandidatong senador. Pero hindi siya mahikayat dahil iniisip nga niya ang kapakanan ng mga taong iniaasa ang laban ng kanilang kaso sa kanya.

“Sa mga ganitong insidente ng reckless imprudence o negligence, may criminal aspect, civil aspect, at may administrative aspect. Nakaaantig ‘yong hinagpis ng kaanak ng mga namatay at saka ‘yng mga survivor sa trahjedya. ‘Yong isa, namatayan ng labing lima. Meron ding wala nang natira sa pamilya niya. Kasi sabay-sabay. Uso kasi ‘yong namamasyal o bumibiyahe na buong pamilya, e.

“Wala namang complainant ‘yong iba kasi namatay na lahat. So sino ang mangangalaga sa taong bayan? Kaya ito ay hinahabol namin sana. Na pabayaan ang regional trial court sa pag-iimbistiga para malaman kung guilty ba o kung criminally liable. Bakit isang resolusyon lang na isa o dalawang pahina… sasabihin civil lang ‘yan. Civil lang. Kaya ang mangyayari, pera lang ang katumbas ng buhay ng tao… ng mga pasaherong pinabayaan ng may-ari,” sabi pa ni Atty. Acosta.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleMagaling na indie actor, talamak na ang pagiging adik sa droga, nagpapa-booking na rin
Next articleCharice, wala pang balak na gayahin si Aiza Seguerra

No posts to display