Eugene Domingo, sure bet to win Best Actress trophy in the 7th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival

SHOOT NA ANG Best Actress award kay Eugene Domingo para sa napakahusay niyang pagganap sa pelikulang Ang Babae Sa Septic Tank. Grabe ang husay ni Uge sa naturang pelikula at hindi lang isa, huh, kundi apat na karakter ang ginawa niya in one movie, huh! At tanging siya lang ang makakagawa nu’n, pramis!

Maiiyak at tatambling sa katatawa ang audience with matching musical pa na talaga namang riot! Magaling din ang direksiyon ni Marion Rivera at script ni Chris Martinez.

Actually, noong hindi pa namin ito napapanood, sinabi naming mahigpit na maglalaban sa pagka-best actress sina Jean Garcia para sa Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa at si Ma. Isabel Lopez para sa Cuchera, pero nu’ng finally ay napanood na namin ang movie sa gala premiere nito, ayun na, si Uge na at wala nang iba ang para sa amin ay winner sa kategoryang nabanggit!

Mahusay rin kapwa sina Jean at Isabel pero grabe ang galing ni Uge na halos lahat yata ay ginawa na sa pelikula at lumubog pa siya sa Septic tank, huh! Kaya ba nila iyon? Hahahahaha!

Bukod kay Uge, mahusay rin si JM De Guzman na pinagkaguluhan ng mga babae’t bakla after the showing, okey lang si Kean Cipriano, pero halatang may kaba pa siya. ‘Yun din, pinasaya naman niya ang mga bakla nu’ng naghubad siya sa isang eksena at tumihaya pa siya. Ayun, na-sight ang kaseksihan ng rakistang singer kaya naman maraming bakla ang na-elya-elya sa kanya! Hahahaha!

Kung winner na para sa amin si Uge sa best actress, wala pa kaming bet para sa best actor category! ‘Yun na!

ITINANGHAL ANG PREMIERE showing ng pelikulang Liberacion na tinatampukan ng Japanese actor na si Jacky Woo na ginanap sa CCP Little Theatre kamakailan lang. Ang pelikula ay dinirek ni Adolf Alix, Jr. na NETPAC (Network for the Promotion of Asian Cinema) entry sa 7th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Ang pelikula ay hango sa tunay na pangyayari noong “liberation day”, kung saan isang Hapones ang natagpuan sa isang bundok na inakala ng mga mahal niya sa buhay na matagal nang patay. As it is, ginamit ni Direk Adolf ang husay niya upang ipakita ang panahon noon and the present time.

Masaya siyempre si Jacky Woo though hindi siya nakadalo sa premiere showing ng movie niya, dahil kasalukuyan siyang nasa Bulgaria at gumagawa ng bago niyang pelikula. Nakatakda ring muling gumawa ng pelikula si Jacky sa Japan at iba pang bansa kung saan dadalhin niya ang mga sikat nating artista upang makasama sa pelikula. Bukod sa pelikula ay abala rin ang mabait na Japanese actor sa paglabas sa mga TV shows like Bubble Gang, Walang Tulugan with the Master Showman (kung saan ipinakita naman niya ang galing niya sa pagkanta) at iba pang shows ng GMA-7.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

Previous articlePhil Younghusband is serious on Angel Locsin
Next articleNora Aunor couldn’t return to the Philippines because of legal issues in the country?

No posts to display